Luis Manzano on rumored romance with Jessy Mendiola: "I'll keep my mouth shut."

Luis Manzano is as quick in defending friend Sarah Geronimo from rumor-mongers as he is in fending off people sniffing around his relationship with Jessy Mendiola. He says, "Anything personal, hindi ko na bibigyan ng bala. I choose my battles. Wala namang mawawala sa akin."


Patuloy pa rin ang paglabas ng mga balita na nag-uugnay kina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Kamakailan lang ay lumabas ang balitang nakita raw na magkasama ang dalawa sa Shangri-La Mall, kung saan “love birds” ang deskripsyon ng nakakita sa kanila.

Nabuo tuloy ang espekulasyong inililihim lang nina Luis at Jessy kung anuman ang namamagitan sa kanila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Luis sa set ng Family Feud noong Lunes, June 20, inamin naman ng TV host-actor na totoong nagpunta sila ni Jessy sa naturang mall.

Pero umiwas itong pag-usapan ang tungkol sa nababalitang relasyon nila ng aktres.

“Hindi ko naman ide-deny… there are pictures din naman.

“Anything about her, tatahimik ako, kasi hahanapan lang ako ng butas.

“So, tatahimik na lang ako,” katuwiran ni Luis.

MUM’S THE WORD. Tumanggi ring magkomento si Luis tungkol sa bansag kay Jessy na "Kati," na tila pagkukumpara sa tawagan nila noon ng kanyang ex-girlfriend na si Angel Locsin.

Kung si Luis ay si Kute, si Angel naman ay Kite.

Sabi ng TV host-actor, “Tatahimik na lang ako, hahanapan ako ng butas.

“I can say the nicest thing, I can defend myself, pero mahahanapan ako ng butas.

“So, I’ll keep quiet na lang about this.”

Dagdag pa niya, “What’s funny, when you base it on social media and everything, walang tama o maling sagot.

“Mahahanapan at mahahanapan ako ng butas kahit na ano ang sagot ko.

“Anything about that, I’ll keep my mouth shut.

“I’ll keep quiet na lang about the issue, parang binibigyan ko na rin sila ng bala.

“So, tatahimik na lang ako.”

NO COMMENT. Wala ring komento si Luis sa pagtatanggol sa kanya ni Angel tungkol sa isyu sa kanila ni Jessy at sa rebelasyon ni Keanna Reeves sa isang radio program na isa raw siya sa mga aktor na naka-one night stand nito.

Ayon kay Luis, “Tatahimik na lang ako anything sa issue na ‘yan… anything personal, hindi ko na bibigyan ng bala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang taong gustong humanap ng mali will always find something wrong, something to bash on.

“Kahit magsabi ako ng pinakamagandang bagay, ang taong sa simula’t sapul na naghahanap ng mali ay makakahanap ng mali.

“Nakakapagod lang din.”

Dagdag pa niya, “I’m happy. Wala namang mawawala sa akin kung sumagot ako o hindi.

“My life will go on... happy, very happy.

“Sa tanda kong ito, hindi ko na aanuhin ‘yan, hindi na.”

Natuto na raw siyang piliin ang mga isyu na dapat niyang patulan.

“Kinseng taon na ako sa industriya, I choose my battles.

“Wala namang mawawala sa akin,” ulit ni Luis.

PREGNANCY RUMOR. Dinepensahan naman ni Luis si Sarah Geronimo kaugnay ng balitang buntis daw ang singer-actress kaya pansamantala muna itong mamamahinga sa showbiz.

Bukod sa nagkasama sila sa nakaraang season ng The Voice Kids, kilalang-kilala raw ni Luis si Sarah.

Sabi niya, “I know Sarah to the best of my knowledge… it’s not new, dati pa namang ini-issue sa kanya yun.

“E, di sana nag-college na yung anak niya sa tiyan niya, ang tagal na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN