Sunshine Dizon removes husband's surname from her social media accounts

Sunshine Dizon determined to work hard for her kids even if she has to do it alone, after recent announcement that she and husband Timothy Tan have gone separate ways.


Sa pamamagitan ng pinakahuling post ni Sunshine Dizon sa kanyang Instagram account, inilahad ng Kapuso actress ang hirap na pinagdadaanan niya ngayong mag-isa na lang siyang magtataguyod sa dalawa niyang anak.

Base sa official statement ni Sunshine, naghahanda na siya para dalhin sa korte ang isyu nila ng kanyang estranged husband na si Timothy Tan.

Ito ay matapos pumutok ang balita kamakailan na dumadaan sa pagsubok ang pagsasama ng mag-asawa, na may kinalaman umano sa pagkakaroon ng third party sa parte ni Timothy.

Read: Sunshine Dizon vows to pursue legal battle vs husband Timothy Tan 'until the end'

Kapansin-pansin din ang pagpapalit ni Sunshine ng usernames sa kanyang social media accounts.

Pinalitan niya ang handles ng kanyang Instagram at Twitter accounts at tinanggal ang apelyido ng kanyang asawa.

Sa Twitter ay inanunsiyo pa ni Sunshine ang pagpapalit ng kanyang username.

Sa kanyang Instagram post kagabi, June 22, ay nagpasalamat si Sunshine sa mga tumutulong sa pag-aalaga ng kanyang mga anak ngayong dumadaan siya sa pagsubok.

Saad ng Kapuso actress, “Mahirap mahiwalay sa mga bata sa mga ganitong panahon.

“Salamat sa Mama ko at and’yan siya pag kailangan ko magtrabaho, at sa dalawa kong angels Elona at Naneth.

“Mahirap maging ina pero kailangan natin lumaban at itaguyod ang ating mga anak.

“Saludo ako sa lahat ng mga nanay na di sumusuko at kinakaya ang lahat.”

Dagdag niya, “Napakaswerte ko pa din at may dalawa akong anghel.

“Maswerte pa din ako at kahit na bagsak, kaya pa din bumangon at magsimula mag-isa dahil may trabaho kahit papaano.”

Magiging bahagi si Sunshine ng upcoming fantaserye ng GMA Network na Encantadia at bibida sa isang episode ng Magpakailanman.

Sa huli, sinabi ng aktres na patuloy siyang lalaban para sa kanyang mga anak at itataguyod sila kahit mag-isa.

“This fight is for my babies Doreen and Anton. Mama will always love and protect you. I will give my all and best to give you the best life possible. I miss you my loves.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN