Baron Geisler and Kiko Matos curse each other on air

Nagpalitan ng mura at maaanghang na salita sina Baron Geisler at Kiko Matos sa radio program na Boys Night Out ng Magic 89.9 kagabi, June 23.


Nagpalitan ng mura at maaanghang na salita sina Baron Geisler at Kiko Matos sa radio program na Boys Night Out ng Magic 89.9 kagabi, June 23.

Hosts sa naturang programa sina Sam YG, Slick Rick, Tony Toni, at Jojo.

Live guest naman nila si Kiko para i-promote ang Bakbakan ng URCC nila ni Baron, na gaganapin sa Valkyrie Club, bukas ng gabi, June 25.

Dito ay inilahad ni Kiko kung paano nagsimula ang away nila ni Baron na umabot sa labanan nila sa ring.

Ipinaliwanag din ni Kiko kung ano ang nangyari sa kanilang contract signing at face-off sa URCC, kung saan hindi niya napigilang sipain si Baron.

Read: Kiko Matos kicks Baron Geisler after URCC contract signing

Kuwento ng indie actor, pagkatapos nilang mag-face off, kung saan hinalikan siya ni Baron, pinagbati uli sila sa labas.

Nagyakapan sila, pero may ibinulong daw si Baron sa kanya na ikinagalit na naman niya.

Ayon kay Kiko, “Kaya ko naman mag-trash talk.

“Pero si Geisler, kung hindi niya talaga tinitigilan... lalo nung lumapit siya sa akin, binubulungan niya ako, dun ko na siya binigyan ng sipa.

“Sabi niya, ‘Pare, ang laki na ng isyu na ‘to. Pero tropa na tayo, ha? Basta paduduguin ko ang nguso mo, bakla ka!’

“Sinipa ko na siya.”

Tingin ni Kiko, sinadya iyon ni Baron para lumabas siyang masama.

Saad niya, “Feeling ko, pinlot nila yun, e.

“Kasi, bigla na lang, next thing I knew, nag-viral na.

“The video was uploaded by one of his relatives.

“For me, when it got uploaded, everyone was messaging me na, ‘Bakla ka! Cheap shot ka!’

“Wait lang, who was videoing the contract signing?

“Kaya I asked from my camp, ‘Sino ang may video ng contract signing?’

“They uploaded the video that would make me look bad.”

Kaya nang nakakuha raw siya ng kopya ng buong contract signing at face off, naipaliwanag kung ano ang dahilan bakit nasipa niya si Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CELEBRITY MATCH. Pagkatapos ilahad ni Kiko ang ginagawa niyang training, si Baron naman ang tinawagan ng DJs para sa phone-patch interview, at pinatahimik na lang muna si Kiko.

Inilahad din ni Baron ang background niya sa martial arts.

Puspusan na raw ang training niya sa Pampanga.

Pero hindi kagaya ni Kiko, hindi na inaalam ni Baron kung paano ang training ng makakalaban niya.

Aniya, “I haven’t seen him fight, and I don’t know the guy.

“Ang pinaka-weakness lang niya siguro, kalbo siya, wala siyang buhok.

“Yun lang. Kalbo lang talaga siya.

“Ang weakness ko naman, may buhok ako, kasi baka sabunutan niya ako.”

Sumang-ayon naman si Baron sa sinabi ni Kiko na mas mabuting tapusin nila ang kanilang hidwaan sa loob ng ring.

Sabi niya, “It’s an official sports.

“Kami yung actors na biglang lalaban sa isang MMA fight, parang…

“Kumbaga, kami ang nag-pioneer nito, e, na kung may isang artista na may isyu sa isang artista, na parang celebrity death match.

“Better than fighting sa streets, yun ang delikado. Baka may baril pa yun o masaksak pa.

“Safety at saka disiplina na rin.”

Dagdag pa ni Baron, “I stopped drinking na rin and, you know, I’m benefitting from it as well.”

MURAHAN ON AIR. Pagkatapos ng ilan pang tanong, sinabi ni Sam YG kay Baron na nasa studio si Kiko.

Hiningan ng mensahe si Kiko para kay Baron.

“You’re a piece of shit, Baron!” sabi ni Kiko.

Inilabas pa ni Kiko ang puwet niya at nag-dirty finger pa kay Baron.

Tag nyo idol nyo. Thanks for the photo @_samyg

A photo posted by kiko matos (@kikomatosi) on

Kaagad na binuweltahan ni Baron ng matinding mura si Kiko.

Sabi uli ni Kiko, “Alam mo, Baron, buti na lang nasa studio ako, hindi ko naamoy ang mabahong hininga mo.”

Sagot ni Baron, “Mabaho ang hininga ko? You sucked my tongue!”

Buwelta ni Kiko, “Suck my punch! Subo mo sipa ko!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis din siyang sinagot ni Baron, “Subo mo t*t* ko!”

Tinawag uli ni Baron na “bakla” si Kiko.

Pero sinagot siya ni Kiko na sino ba nanghalik. Kaya itong si Baron daw ang bakla.

Sabi ni Baron, “You know, I’m very secured, pare, sa sexuality ko. Ikaw, hindi ko alam kung ano.”

Tinapos na ng radio anchors ang murahan ng dalawa, dahil hindi na ma-control ang mga sinasabi nila sa isa’t isa.

Nabanggit din ni Sam na baka wala na silang programa sa Lunes dahil sa pagmumura sa ere nina Baron at Kiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN