Sarah Lahbati worried about Richard Gutierrez's latest hobby

Sarah Lahbati says her relationship with long-time partner Richard Gutierrez is stronger than ever even when their wedding seems far off. "Mas mature kami ngayon, mas responsible… we just support each other sa kanya-kanya naming ginagawa," she affirms.


Kinakabahan daw si Sarah Lahbati na ang partner niyang si Richard Gutierrez ay nahihilig ngayon sa pagmo-motor matapos ang teleserye nitong Ang Panday.

Sabi ni Sarah, “As of now, paikot-ikot siya sa Pilipinas, kinakabahan nga ako.

“Siyempre I’m worried, but he’s in a group naman, so safe naman sila.

“Palagi ko siyang sinasabihan.

“But he’s responsible naman, alam naman niya ang ginagawa niya.

“Alam niya na may baby Zion, hindi puwedeng basta-basta na lang, he knows naman.”

Kahit hindi pa sila nagpapakasal ay mas nagiging matatag naman daw ang ang relasyon nila ni Richard habang tumatagal.

Wala na rin daw yung mga selosan.

Natatawang sabi ni Sarah, “Wala na, wala na, mas mature kami ngayon, mas responsible.

“And we’re really inspired to work again and we just support each other sa kanya-kanya naming ginagawa.”

KAPAMILYA PROJECT. Kasama si Sarah sa pelikula ng Star Cinema na Achy Breaky Hearts, na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, at Richard Yap.

Girlfriend ni Ian ang papel na ginagampanan ni Sarah sa pelikula na mapapanood na sa July 13.

Sabi niya, “Kahit short ang experience ko, memorable.

“Si Direk Tonette [Jadaone] is a dream come true to work with.

“Kahit maikli lang ang role ko, kahit simple lang, nakita ko sa kanya yung gutom.

“Yung drive na gumawa ng magandang produkto, produkto na marami ang makaka-relate.

“She’s really creative and artistic, which is important sa isang director.

“She’s a pleasure to work with such a creative mind.

“And working with Ian and Jodi, sobrang nakaka-inspire rin sila dahil sobrang husay na mga aktor.”

SHELVED PROJECT. Na-shelve ang Written In Our Stars na dapat sana ay una niyang teleserye sa ABS-CBN nang lumipat siya mula sa GMA Network.

Na-postpone ang project dahil sa pagbubuntis ng female ditong si Toni Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Sarah, “Siyempre nalungkot ng konti, pero hindi naman pelikula lang ang iniisip ko.

“It’s a blessing, as a mother, alam ko yung pakiramdam na yun.

“So I don’t want to be selfish and just think about myself.

“I’m really happy for Toni, but I’m still hoping na dumating din ang teleserye one day.

“But hindi ako nagmamadali… kapag dumating, dumating, and it’s meant for you, don’t pressure.

“I’m not in a rush to force things to come.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN