Mark Herras on GF Winwyn Marquez: "Talagang tinutulungan niya ako to be a better man."

Mark Herras thanks girlfriend Winwyn Marquez for her positive influence in his life: "I can say na talagang ang laking tulong ni Wyn sa mga nangyayari sa buhay ko and talagang tintulungan niya ako to be a better man. And ako naman, sa side ko, sa part ko, siyempre gusto ko ring gawin na maging maayos talaga yung tingin sa akin ng mga tao for her."

 


Magtatatlong buwan na mula noong pumanaw ang ina ni Mark Herras dahil sa cardiac arrest noong April 12 ng taong kasalukuyan.

Kumusta ang buhay ni Mark ngayon?

“Okay naman.

“I mean, ako, ayokong sabihin na sanay na ako, kasi nangyari sa lola ko, nangyari sa daddy ko, and then my mom.

“Siguro, sabi nga sa akin, na-handle ko lang siya nang maayos siguro.

“Kasi siyempre, nagpakatatag ako at naging matapang ako para harapin yung kakalabasan nung nangyari sa mommy ko, di ba?

“And it’s sad, nakakalungkot na hindi ko sila nakakasama na ngayon.

“Pero I’m sure na nakabantay sila sa akin sa Itaas, pero siyempre iba yung nakikita mo sila talaga, na literal na nakikita mo sila, di ba?

“So nakakalungkot...

“Nakakalungkot na wala na sila, pero siyempre I have to move on and I have to do everything sa buhay ko ngayon na with my Tito na lang,” umpisang pahayag ni Mark na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Sa Piling ni Nanay noong Martes, June 14, sa GMA Network Center.

DOING HOUSEHOLD CHORES. Pagpapatuloy pang pahayag ni Mark, “Siyempre kailangan ko na ring matuto sa mga gawaing bahay, sa buhay ko, na kailangan ko ng matuto sa lahat.”

Pati gawaing bahay?

“Tulad niyan, wala na rin kaming boy. Wala pa kaming nahahanap, e. Ang tagal na.

“Nagluluto na rin ako, kahit pritu-prito lang.

“Dati siyempre, lagi akong nakaasa with them, sa kanila, kay daddy, di ba?

“So ngayon talaga, siyempre kailangan talaga na ako na lang din.

“Kailangan ko ring turuan yung sarili ko na gawin, kasi kung hindi, hindi naman ako puwedeng habambuhay umasa lang,” diin niya.

WINWYN'S POSITIVE INFLUENCE. Nakatulong nang malaki ang kasintahan niyang si Winwyn Marquez para mabilis ang moving on ni Mark mula sa pagkamatay ng kanyang ina kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagmamalaki ni Mark, “Actually, I’m very proud to say na sobrang nakatulong si Wyn sa akin.

“Ayun nga, may isa akong post sa Instagram na parang…. sabi ko mamahalin ko siya habambuhay.

“Gusto ko lang i-clear na, siyempre baka may ipokritong tao na sabihing, ‘O, kaya mo siya minamahal kasi bibigyan ka niya ng business or what!’

“Hindi! Kasi si Wyn, siya yung bukod tangi at siya lang yung taong tinutulungan ako sa mga bagay na karapatdapat na ginagawa.”

BUSINESS VENTURE. Si Winwyn ang susi kaya naging business-minded si Mark. May pinasok silang food stall business.

Kuwento pa niya, “Sinama ako ni Wyn dun sa food stall.

“Ako kasi before, puro plano, puro plano lang, mas less gawa.

“So ngayon talagang plano and gawa at the same time.

“And I can say na talagang ang laking tulong ni Wyn sa mga nangyayari sa buhay ko and talagang tinutulungan niya ako to be a better man.

“And ako naman, sa side ko, sa part ko, siyempre gusto ko ring gawin na maging maayos talaga yung tingin sa akin ng mga tao for her.

“Ayoko naman na hindi maging proud sa akin si Wyn in the future.

“Kumbaga, ako sobrang proud ako sa kanya dahil sa mga na-accomplish niya and sa mga ginagawa niya pa ngayon.

“Siyempre, gusto ko rin for myself na maging proud si Wyn sa akin every time.

“For example, magkaroon siya ng interview about… hindi naman sa gusto kong maging vocal siya about me, pero gusto ko lang na may masabi siyang maayos about me...

“Kasi alam natin na I’ve done a lot of wrong decisions in my life, di ba? So…”

Mapapanood sa Sa Piling ni Nanay si Mark bilang si Jonas, at sina Yasmien Kurdi bilang si Ysabel, Katrina Halili bilang si Scarlet, Bettina Carlos as Wanda, Antonio Aquitania as Rod, Sofia Jayzel Cabatay as Maya, at si Ms. Nova Villa bilang Matilda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Sa Piling ni Nanay ay sa direksyon Gil Tejada Jr. para sa GMA Afternoon Prime simula ngayong Lunes June 27.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN