UST graduate Cristelle Tolentino is Miss Manila 2016

Miss Manila 2016 Cristelle Tolentino (center) with Manila Mayor Joseph Estrada and Miss Manila 2015 Kaycie Lynn Fajardo at the coronation night of Miss Manila 2016 held last Friday, June 24.


Si Cristelle Tolentino ang nanalong Miss Manila 2016 sa coronation night na ginanap noong Araw ng Maynila, Biyernes ng gabi, June 24, sa PICC Reception Hall.

BS Hotel and Restaurant Management Cum Laude graduate si Cristelle sa University of Sto.Tomas.

Hindi baguhan si Cristelle sa pagsali sa mga beauty pageant dahil official candidate siya ng Miss Republic of the Philippines noong 2015.

Miss Manila 1st runner-up si Mercegrace Raquel; 2nd runner-up ang crowd favorite at UAAP courtside reporter Ganiel Akrisha Krishnan, na humakot ng mga special award; 3rd runner-up si Kristel Guelos; at 4th runner-up si Joanna Marie Rabe, na naging kontrobersiyal dahil sa pag-amin na apat na taon na ang relasyon nila ng kanyang lesbian lover.

Joint project ng City of Manila, MARE Foundation Inc. at Viva Live ang Miss Manila 2016.

Sinabi ni Manila City Mayor Joseph Estrada na malapit sa puso niya ang Miss Manila dahil dating Miss Manila Carnival Queen ang kanyang ina na si Dona Maria Marcelo Ejercito.

Sina Edu Manzano, KC Concepcion, at Miss Earth 2015 Angelia Ong ang mga host ng Miss Manila 2016 coronation night.

Kabilang sa judges sina Gretchen Barretto, Fabio Ide, Venus Raj, at Miss Globe 2015 Ann Colis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN