Jodi Sta. Maria still hopeful about marriage after failed relationships

Jodi Sta. Marian on marrying again: "Pag dumating yung tamang tao… nakikita ko naman yung sarili ko na ikakasal [ulit]. Kasi, I thought dati hindi na, e. Pero habang tumatagal, parang nandoon pa rin sa heart ko yung desire to have a family."


Inamin ni Jodi Sta. Maria na nakikita pa rin niya ang kanyang sarili na makakahanap ulit ng lalaking mamahalin at muli siyang maikakasal at magkakaasawa sa hinaharap.

Ito ay sa kabila ng failed marriage niya kay Pampi Lacson, kung kanino siya nagkaroon ng isang anak, si Thirdy.

Nag-fail din ang relationship niya kay Jolo Revilla, na kamakailan ay kinumpirma niyang hiwalay na sila pero nananatili pa rin daw silang magkaibigan.

Pahayag ni Jodi, “Ako? Kung may pagkakataon, oo. Bakit naman hindi, di ba?

“I also want to have more children in the future kung iaadya ng Panginoon.

“So, pag dumating yung tamang tao… nakikita ko naman yung sarili ko na ikakasal [ulit].

“Kasi, I thought dati hindi na, e.

“Pero habang tumatagal, parang nandoon pa rin sa heart ko yung desire to have a family.”

Ito ang ibinunyag ng Kapamilya actress nang mag-guest siya sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, na umere kaninang umaga, June 27.

IAN & RICHARD’S WISHES. Nakasama rin ni Jodi na nag-guest sa show ang kanyang mga kaibigan at The Achy Breaky Hearts leading men na sina Ian Veneracion at Richard Yap.

Nagbigay pa ng advise at pahabol na birthday wish kay Jodi sina Ian at Richard.

Nag-birthday si Jodi noong June 16.

“Sasabihin ko sana mahanap niya yung magpapasaya sa kanya talaga. Pero nagseselos ako, e,” biro ni Ian.

Dagdag niya, “Basta pag may nanligaw sa iyo, kaming dalawa [ni Richard] yung screening committee mo, okay? Dadaan muna sa amin.”

So, ang birthday wish niya para kay Jodi ay sana walang manligaw?

Tugon ni Ian, “Sana. Kasi masaya naman siya ngayon, e.

“Sana hindi na niya hanapin.

“Kung hindi man, kung wala man, sana hindi na niya hanapin at maging masaya siya.

“Kasi kumpleto na siya on her own.”

Wish naman ni Richard para kay Jodi, “Love, happiness, and fulfillment even though with or without a partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You and Thirdy [Jodi’s son], you have the best of everything already, so icing on the cake na lang yun kung mayroon [darating na guy].”

May pahabol na biro pa si Richard, “Pero ilakad kita kay ano…”

“Ang bad mo!” natawa na lang sabi ni Jodi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN