Is LJ Reyes ready to settle down with Paolo Contis?

LJ Reyes and Paolo Contis appear to be in a tight relationship, are they moving towards making it permanent? Her reply, "Di naman ako papasok sa isang relasyon kung hindi… darating na lang doon yun."


Isa sa pinasalamatan ni LJ Reyes sa kanyang Instagram account ang kasintahan na si Paolo Contis matapos manalong Best Actress sa Gawad Urian kamakailan.

Nakamit ng Kapuso actress ang tropeyo para sa pagganap niya sa pelikulang Anino Sa Likod ng Buwan.

Buo raw ang suporta at pag-aalaga na ibinibigay ni Paolo sa kanya, pero tipid pa rin si LJ sa tuwing pag-uusapan ang relasyon nilang dalawa.

Paliwanag niya, “Okay naman kami, happy, mahirap.

“Kaya nga, as much as possible, gusto naming mayroon kaming privacy kahit papaano, di ba?”

Careful din daw siya sa private life nila ng anak na si Aki.

“I share something about him, pero as much as possible, I keep him away from the limelight.”

Kumusta naman ang relasyon ni Aki sa mga anak ni Paolo sa dati nitong asawa na si Lian Paz?

“Si Aki naman has a good relationship with him, pero yung kids kasi niya [Paolo], isang beses ko pa lang nakita,” tugon ni LJ.

Maaari kayang mauwi sa kasalan ang relasyon nila ni Paolo?

Ayon sa aktres, “Hindi naman ako papasok sa isang relasyon kung hindi.

“Pero for me, it’s something na kami muna dapat ang nagtatanong sa mga sarili namin, di ba?

“If ever, darating na lang doon yun, lets’ see.”

Nagkakausap pa ba sila ng ama ni Aki na si Paulo Avelino?

Sagot ni LJ, “Usap? Hindi, e, I think busy yata siya ngayon, hindi ko alam.”

Hindi na rin daw nailalabas ni Paulo si Aki.

“Baka busy lang talaga siya. Financial? Oo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN