Enrique Gil and Liza Soberano explain "road to forever" IG post

Enrique Gil is as sure that their relationship is going beyond platonic as Liza Soberano is wishful, "Sana, sana forever na."

 


Marami ang kinilig at natuwa sa fans ng LIzQuen loveteam dahil sa Instagram post ni Enrique Gil ng larawan nila ni Liza Soberano habang nasa Europe na may caption na “Road to Forever.”

Makikitang magkahawak-kamay sila ni Liza habang naglalakad sa paligid ng Fountains Abbey, malapit sa Ripon, North Yorkshire, sa England.

Road to Forever

A photo posted by Enrique Gil (@enriquegil17) on

Kuwento ni Enrique, “Kinunan namin ‘yan sa Fountain Abbey, parang lumang castle in Yorkshire in London.

“Kaya ko inilagay ‘road to forever,’ kasi yung Forevermore poster namin, parang kamukha niya, mahabang road lang.

“Yung ‘forever, forever’ ang lines namin sa She’s The One, kaya rin kami natuwa sa word na forever.

“Yung first appearance namin sa She’s The One, ang last line na ‘best friends forever’ ang sasabihin ko.

“Tapos sinabi niya, ‘Forever.’

“Tapos, next show na namin Forevermore, so may meaning sa amin ang forever.”

Dagdag naman ni Liza, “Yeah, it’s about two hours away from Manchester in London.

“When you look at the picture, parang never-ending road na pataas sa kawalan.

“Sabi ko, ‘road to forever, picture tayo, tara.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sina Enrique at Liza sa set ng Dolce Amore pagkabalik ng dalawa sa Pilipinas mula sa Destiny Tour ng kanilang teleserye.

AFFIRMATION. Nangangahulugan ba itong nakikita nilang 'forever' kung anuman mayroon ang LizQuen ngayon?

Tila makahulugan ang sagot ng dalawa.

Sabi ni Liza, “Sana, sana forever na.”

Ayon naman kay Enrique, “Siyempre, ang pangit naman na may nag-post ng forever, tapos di magkaka-forever, di ba?”

Pero sila na nga bang dalawa?

Tugon ni Enrique, “Papunta na dun, feeling ko talaga… napi-feel ko na.

“Matagal na rin kaming nagsama since Forevermore, okay na rin ako sa family niya.”

Umalma naman si Liza at sinabing, “Ay, hindi pa exclusive!

“Kung clear na sa dad ko? Oo, pero sabi ni Daddy, know your priorities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung Daddy Jeff ko, yun talaga ang ayaw, yung lolo ko talaga ang parang ayaw.”

Tsaka na lang daw, kapag 23 na si Liza.

Nirerespeto naman daw ni Enrique ang kundisyon ng pamilya ni Liza.

Aniya, “We have to respect that, pero nung sa San Francisco [California], nasa hotel kami, ang tawag sa akin, ‘manu,’ which means manugang.

“Napi-feel ko naman, enjoy the moment.”

Sabi naman ni Liza: “Pero pagtalikod ni Quen, 'Three years, three years more.'”

DISCOVERIES. Palaging nagkakasama sina Liza at Enrique dahil sa kanilang trabaho, may mga bago pa ba silang nadi-discover tungkol sa isa’t isa?

Ayon kay Liza, “Mayroon talaga, we discover new things every day.

“Like, addicted pala siya sa Star Wars, so binilhan ko siya ng maraming Star Wars mugs sa Italy.

“Ano nila ng papa niya, collection.

“Sabi nga ng mga bakla dito, ako ang pinakabonggang bakla daw.

“Di ba, ang mga bakla, mahilig magbigay ng regalo?”

Pa-sweet namang sabi ni Enrique, “Mga mug pang-taping, so gagamitin ko. I gave her a gift din today.”

Ibinahagi ni Liza na isang wallet na gawa pa sa balat ng buwaya ang iniregalo sa kanya ni Enrique.

Sabi niya, “E, ayoko ng poaching, sabi ko, ‘Ayoko, it’s real crocodile.’”

Paliwanag naman ni Enrique, “Galing ang mom ko ng Thailand, yung crocodile dun, it’s their food source.

“You go to the mall, nabibili siya ng de lata.

“Yung skin nila, imbes na itapon, they make it into wallet.”

Sa taping ng Dolce Amore ay kapansin-pansin ang dalawang cute na mga aso na bitbit pareho nina Liza at Quen.

Biro tuloy sa kanila, ito na ba ang kanilang babies?

Pagbabahagi ni Liza, “Bigay po ito ng isang friend namin, siya yung may-ari ng Doggy Land, parang hotel ng mga doggie.

“Yung Pekingese, si Gucci, yun ang ibinigay ni Quen sa akin… I really love dogs.

“Booboo is two months, si Gucci three months.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“March 30 birthday nito, ka-birthday niya si Quen.”

WILD TOUR. Nagpasalamat din sina Enrique at Liza sa mga kababayan natin sa Europe na sumuporta sa Dolce Amore, The Destiny Tour.

Masayang kuwento ni Enrique, “Solid, grabe yung experience namin sa Milan, sa Yorkshire, sa Germany.

“Pero I think the wildest crowd was Milan, it was so much fun.”

Excited din si Liza sa kanyang kuwento, “Sabi nung nag-produce ng show namin sa London, sa Barrio Fiesta nila, kami yung pinakamarami na nagpuntang tao ever.”

Halos 5,000 daw ang dumalo sa kanilang event, samantalang ang usual number daw ng lugar ay 2,500.

Patuloy ng young actress, “Sobrang galing daw ng fans namin kasi tinulungan sila na magbenta ng tickets.

“May mga taga-Belgium na pumunta pa ng London.

“Next month, we go to Canada, pero di pa namin alam kung saan sa Canada.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN