Angel Locsin refuses to comment on Luis Manzano-Jessy Mendiola rumored romance

Angel Locsin on challenges in life: "Iba yung maturity at saka it makes us stronger."


Tikom ang bibig ni Angel Locsin sa pagkaka-link ng dati niyang boyfriend na si Luis Manzano sa kapwa nila Kapamilya star na si Jessy Mendiola.

Umiwas na lamang si Angel nang matanong siya tungkol dito sa interbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters matapos siyang maipakilala bilang brand ambassador ng Smart Padala ngayong Martes, June 29.

Paliwanag niya, “Kung sila hindi nagsasalita o hindi umaamin, ako pa ba magko-comment?

“Basta kung ano ang happiness nila, yun pa rin ako. I'll be happy para sa kanila.”

Matatandaang ilan beses nang nai-tag si Angel sa ilang memes na tila nagpapahiwatig na may namumuong relasyon sa pagitan nina Luis at Jessy.

Minsan na siyang sumagot dito ng nakangiting emoji sa Instagram.

Nagpaalala rin si Angel sa ilang fans na iwasan ang pangba-bash.

Read: Angel Locsin reacts to Luis Manzano-Jessy Mendiola dating rumors

Sa kabilang banda, nauna nang pinabulaanan ni Luis ang usap-usapan tungkol sa diumano'y relasyon nila ni Jessy.

Ayon kay Luis, “100% untrue” ang balitang may relasyon na sila ni Jessy.

Read: Luis Manzano denies reported romance with Jessy Mendiola

BEING MORE MATURE. Samantala, nang kumustahin si Angel tungkol sa kanyang pagiging single, isang matipid na ngiti ang kanyang ibinigay bago nagsalita.

Pahayag niya, “Masaya naman siya, labas sa ilong...

“Actually, ang dami kong nadi-discover sa sarili ko.

“Ang dami kong time para sa family ko, nag-aayos ako ng bahay, ang dami kong natututunan.

“Parang iba yung maturity na nabibigay sa 'yo.”

Ayaw na ring magbigay pa ng karagdagang pahayag ni Angel tungkol sa pagiging mature dahil “baka ma-misinterpret ng iba.”

Gayunman, sabi ng aktres, “Lahat naman tayo kapag dumadaan sa medyo mahirap na phase sa buhay, iba yung maturity at saka it makes us stronger.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN