Kris Aquino ready to take care of citizen Noynoy

Kris Aquino is ready to welcome her brother, outgoing President Noynoy Aquino. She says, "In less than 15 hours, ready to take care of #CitizenNoy."


Nagbigay ng maiksi ngunit makahulugang mensahe si Kris Aquino para sa kanyang nakatatandang kapatid na si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III, isang araw bago ang huling araw ng panunungkulan nito bilang presidente ng Pilipinas.

Sa kanyang Instagram post kanina, July 29, sinabi ni Kris: “In less than 15 hours, ready to take care of #CitizenNoy.”

Dahil babalik na sa pagiging ordinaryong mamamayan ang outgoing president, na isang bachelor, siniguro ni Kris sa kanyang kuya na handa siya at kanyang mga anak na samahan ito sa oras ng pangungulila.

“In case you get lonely, you have 3 noisy, makulit, energetic house mates (Kuya Josh, Bimb, and me) ready to occupy your guest room & keep you company whether you like it or not.#ThankYouPNoy”

Samantala, sa kasunod niyang post, nagpahayag ng pasasalamat ang Queen of All Media sa mga miyembro ng presidential security group (PSG), na naging kasama nila sa buong panahon ng panunungkulan ni PNoy.

“Thank you to the PSG who took excellent care of us, PNoy's sisters & genuinely became a part of our family,” sabi ni Kris

Bukas, June 30, pormal nang ipapasa ni PNoy ang kanyang puwesto sa bagong halal na pangulong si Rodrigo Duterte.

Pagkatapos ng kanyang pakikipagpulong kay Duterte sa Malacanang, tutuloy na si PNoy sa kanilang tahanan sa Times Street, Quezon City.

Read: PNoy, Duterte to have 15-minute private time on Duterte's oath-taking


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN