Princess Punzalan to resume nursing career in U.S.

Princess Punzalan is not done with her showbiz career in the country and will be back if the TV project she's been offered is finalized. "For now, babalik muna ako sa pagiging ina," she says.


Babalik na ng Amerika si Princess Punzalan sa July 8.

Pero baka bumalik din daw siya agad sa Pilipinas ngayong taon para sa mga proyektong iniaalok sa kanya.

“Tingnan natin... there are projects na pinag-uusapan pa, pero nothing is on paper yet.

“Babalik na lang ako kapag sure na yung mga projects.

“For now, babalik muna ako sa pagiging ina,” sabi ni Princess nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng skin care specialists na sina Dr. Manny and Dra. Pie Calayan .

Two years old na ang anak ni Princess na si Ellie sa American-businessman husband niyang si Jay Field.

Kasama niya ang kanyang pamilya ngayon dito sa Pilipinas.

Pagbalik daw nila sa U.S. ay balik din daw si Princess sa pagiging nurse sa isang ospital doon.

Aware ba si Ellie na artista siya?

“I don’t think she has an idea yet, but she gets surprised when she sees me and she’s looking at the TV.

“Parang, ‘Mommy [on TV], mommy [in person].’”

Katatapos lang ng huling teleserye na ginawa ni Princess sa ABS CBN, ang The Story of Us nina Kim Chiu at Xian Lim. Nakita ba ito ng anak niya?

“Hindi, kasi wala kaming TV!” halakhak ni Princess.

“I’m renting a place now na walang TV, so hindi kami nakakapanood regularly talaga.”

Is it better na walang TV sa bahay?

“Oo,” mabiilis niyang sagot, “mas madaling patulugin yung bata, e, walang distraction.”

Plano pa nila ni Jay to have another child?

Sagot ni Princess, “Huwag na, okey na yung isa.

“Yung anak ko, by the time mag-graduate sa college, sixty na ako.

“Mahirap na… sa ngayon, I feel very blessed, I can’t ask for anything more, I’m contented.”

STILL A NURSE. Wala raw silang planong mag-settle sa Pilipinas, ibig sabihin ay ipagpapatuloy ni Princess ang pagiging nurse sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang pagiging nurse niya?

Tugon niya, “Okey naman. Very challenging kasi it’s a totally different career.

“It’s always nice to know that there is something else that you can do.

“Kung sakaling ayoko na rito, I can do something else.

“And even if I don’t work as a nurse anymore, malaking advantage bilang isang ina.

“You would know how to take care of your family.

“Minsan nagbakasyon kami, biglang nagkasakit ang anak ko.

“Wala kaming hospital na mapuntahan, alam ko yung gagawin ko.

“For practical sake, mas madaling mag-alaga ng pamilya kung alam mo yung mga dapat at hindi mo dapat gawin.”

May mga pasyente ba siyang nakakilala sa kanya?

“Meron, meron, minsan nagugulat sila habang hini-head-to-toe assessment ko sila.

“Nakikilala nila ako, ‘Di ba, ikaw si Princess Punzalan?’ Merong nagpapa-piktyur.

“Okey lang naman sa akin, nagugulat lang yung mga non-Filipino na mga doktor saka nurses, staff.

“Bakit daw nagpapa-piktyur sa akin yung mga pasyente.”

Sinasagot daw niya nang pabiro, “A, because I’m famous!”

Ang totoo raw ay hindi siya nagkukuwento na kilala siya dito sa Pilipinas,

“I never tell people that, I just tell them I’ve done a few TV shows or movies and they have seen me.”

Pinapayagan naman daw siya ng superior niya sa ospital tuwing uuwi siya ng Pilipinas para mag-artista.

“Mabuti na lang, kasi nasa registry ako. Buti na lang yung boss ko, Filipino.”

Bakit nurse ang napili niyang maging career sa U.S.?

Paliwanag ni Princess, “Kasi noong teenager ako, gusto kong maging doktor, e, ayokong mag-aral ng twelve years.

“I thought Nursing was a better choice for me.”

Nagkakaroon ba siya ng attachment sa mga pasyente niya?

“Minsan,” sambit niya, “but I try not to be too attached…

“Mahirap gumawa ng crucial decisions kapag may emotions ng kasama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN