Jake Vargas honors Kuya Germs's advice not to jump to other network

Jake Vargas says his former mentor, the late German Moreno, told him not to consider offers by other TV networks and remain loyal with GMA-7.


Inamin ni Jake Vargas na may mga taong lumapit sa kanya noon at sinabing ikunsidera ang lumipat sa ibang network.

Pero hindi raw sumagi sa isip niyang lisanin ang kanyang home network na GMA-7.

Pahayag ng 22-year-old actor, “Actually, di ko na inisip yun.

“Kasi, bilang dito rin naman ako nag-umpisa, dito na ako pinalaki ni Tatay [German Moreno], dito na ako pinasikat ni Kuya Germs, siguro para sa akin, itutuloy ko na rin lang din para sa kanya.”

Dagdag ni Jake, “Siguro may mga times na nag-o-offer sa akin, wala, e, Kapuso talaga ako.

“Kinausap din naman ako ni Kuya Germs na huwag akong makikipag-usap sa iba.

“Siyempre may nag-o-offer sa iyo ng ganito-ganyan, so pinanindigan ko na din talaga ang pagiging Kapuso.

“Wala namang pagsisisi. Di naman siguro ako pababayaan ng GMA.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa isang pocket presscon na ginanap nitong Miyerkules, June 29.

Kakapirma lang ng five-year contract ni Jake sa GMA Artist Center, na siya na ngayong solong namamahala ng kanyang showbiz career pagkatapos yumao ni Kuya Germs.

ON HANDLING CONTROVERSIES. Gaya ng ibang artista, iba-ibang intriga rin ang ibinato noon kay Jake; kagaya ng paghihiwalay nila ni Bea Binene at ang pagbabansag sa kanyang isang playboy.

Pero mas madalas na pinipili ni Jake na manahimik pagdating sa mga isyu.

Saad niya, “Tahimik ako, kasi di naman totoo talaga.

“Kahit noon man, kahit may dumarating sa akin na mga ganun, naa-appreciate ko pa din, kasi dun ka sumisikat.

“So, ngayon, parang chill na lang ako.

“Kasi tahimik, walang isyu na dumarating sa akin, mas kumportable ako ngayon, mas okay ako ngayon.”

Pinaghahandaan naman ngayon ni Jake ang isang mini-concert sa Music Museum na gaganapin sa Agosto.

Makakasama niya rito ang kapwa niya Kapuso male stars na sina Rocco Nacino, Derrick Monasterio, at Aljur Abrena. Tatawaging Oh Boys ang kanilang grupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tuksuhin kung makikipagsabayan ba siya sa mga kasama niyang tila puro “hunks,” sagot ni Jake, “Siguro dahan-dahan. Gagawin siyempre, hindi naman puwedeng madaliin mo na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN