Dion Ignacio has high hopes for administration of President Rodrigo Duterte

Dion Ignacio is optimistic that crime rate will go down under the new government. He says, "Kaya gusto ko si Duterte, e, yung pag lumabas ka, safe ka. Dahil ang mga taong masasama, takot ng gumawa ng masama."


Tumataginting na “yes” ang reaksiyon ng Kapuso hunk na si Dion Ignacio sa inauguration ni Presidente Rodrigo Duterte.

Laking tuwa raw niya dahil positibo siyang bababa ang kriminalidad sa bansa.

Lahad niya, “Kasi yung mga kriminal, nakakatakot lumabas.

“Iyon lang naman kaya gusto ko si Duterte, e, yung pag lumabas ka, safe ka.

“Kahit marami kang dalang pera sa wallet mo, kahit nandiyan ka sa EDSA, hindi ka matatakot.

“Dahil ang mga taong masasama, takot ng gumawa ng masama.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dion kamakailan sa compound ng GMA Network Center.

Bukod sa Magkaibang Mundo ay napanood si Dion bilang male lead sa episode ng Magpakailanman na "Maid For Each Other," kasama sina Katrina Halili at Winwyn Marquez.

STEADY DATE. Walang karelasyon ngayon si Dion Ignacio, pero may dine-date siyang hindi taga-showbiz at isang businesswoman.

Ang biro namin kay Dion ay baka matrona ang steady date niya.

Aniya, “Hindi po, kasing-edad ko siya, ex-girlfriend ko eight years na ang nakakalipas.

“Minsan mas maganda yung ganun, mas mature ka na, e, alam mo nang pangalagaan.

“Dati, puppy love lang,” pagtukoy niya sa dati niyang girlfriend.

Thirty years old na si Dion ngayon, nasa tamang edad na, baka this time ay magkatuluyan na sila ng businesswoman.

“Hindi ko alam, pero mabait siya.

“Kaya single ako ng dalawang taon kasi gusto ko, may magic na yung susunod na makikilala ko.

“Pag ganun na na-feel mo yung magic, kung ano ka, mababago yun.

“Dahil dun sa totoong nararamdaman mo na kakaiba,” sinabi ng Kapuso hunk.

May ideal age ba si Dion kung kailan siya lalagay sa tahimik?

“Hindi ko masabi, pero siguro kapag handa na talaga ako.

“At iyon nga, kapag nakita ko na yung babae na may magic akong mararamdaman.

“At saka gusto kong makaipon muna, importante yun.”

STABILITY. Wala pa raw siyang malaking halaga na naiipon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Halimbawa, may show 'tapos mawawalan ng tatlong buwan, magagastos mo yun.

“Gusto ko ngang kumuha ng sasakyan para maramdaman ko na artista ako,” at tumawa ang binata.

“Kapag meron akong bagong sasakyan, di ba, ‘Artista na ako!’

“Kaya gusto ko yung brand new.”

May kotse naman daw siya pero matagal na mula nang nabili niya ito. Kailangan pa raw niyang makaipon.

Kung may bading na bibigyan siya ng bagong sasakyan at bahay pero may kapalit.

“Okay po ‘yan, pero hindi ko kaya, e.

“Sasabihin ko, ‘Hindi ko po matatanggap 'yan.’

“Pero kung libre lang, walang kapalit, aba, salamat,” at tumawa si Dion.

Pero kung may kapalit nga, “Ayoko, hindi ko po kaya. May nag-text na ng ganyan.

“Hindi naman bahay at lupa na may kotse, pero may ino-offer, hindi ko ni-reply-an.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN