Thea Tolentino crazy about Japanese actor Yamada Ryosuke

Thea Tolentino moons over Yamada Ryosuke. She is set to leave for Japan to attend his concert. On the oft-chance they meet and he falls for her, will she accept? "Siyempre yung ugali pa rin ang imporante," she demurs.


Sa Oktubre ay muling babalik si Thea Tolentino sa Japan para manood ng concert ng Japanese male star na si Yamada Ryosuke.

Mahilig kasing manood si Thea ng Japanese shows, at matindi ang paghanga niya kay Yamada.

Halimbawang magkakilala sila at ligawan siya nito, sasagutin ba niya si Yamada?

“Siyempre yung ugali pa rin ang imporante!”

Kahit daw crush niya ito, kailangang kilalanin niya munang mabuti.

Pero sana nga raw ay mangyaring kunin ng GMA si Yamada, at pagsasamahin sila sa isang teleserye dito sa Pilipinas.

“Ang saya nun,” ang nakangiting bulalas ni Thea nang nakausap namin siya kamakailan sa GMA compound.

SWEET ALJUR. Magkakasama sina Thea, Aljur Abrenica, at Janine Gutierrez sa Once Again.

May alam ba siya sa napapabalitang nahuhulog na ang loob ni Aljur kay Janine?

Lahad niya, “Minsan kasi malayo yung taping chair ni Aljur, malayo sa amin ni Janine.

“Pero napapansin ko si Aljur, sweet-sweet.”

Sa nakikita niya, in a scale of one to ten, gaano ka-sweet si Aljur kay Janine?

“Seven?”

Pero sa kanya raw ay hindi naman sweet si Aljur, natatawang banggit pa ni Thea.

Close naman daw sila ni Janine kahit magkalaban sila onscreen, “Although wala pa kaming napapag-usapan na yung mahabang kuwento.”

May ilang eksena sa Once Again na nagsabunutan sina Thea at Janine.

“Opo, parehas po kami 'tsaka nag-uusap po kami bago mag-take.”

VILLAINESS. Kontrabida si Thea sa teleserye, at mas salbahe raw siya rito kumpara sa papel niya sa The Half Sisters dati.

“Mas malala po ako dito, mas mean po ako dito, mas bitch,” at tumawa si Thea.

Wala raw siyang peg na kontrabidang babae tuwing kinukunan siya ng eksena sa Once Again.

“Hindi ko naiisip. Sa totoo lang po, pumasok ako dito sa showbiz industry na wala akong masyadong alam o kilala.

“Hindi po ako masyadong nanonood ng TV noon, pero alam ko naman yung faces nung iba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN