Kakai Bautista attests to AlDub's genuine closeness: "Parang yung malalim na friendship nandoon."

Kakai Bautista on Maine Mendoza and Alden Richards's genuine closeness: "Si Alden, pag pagod na, kahit gustong kulitin ni Maine, alam niyang pagod na yung tao, hindi niya talaga kinukulit. Pag nagpapatawa si Maine, ina-appreciate niya yun. Tumatawa naman si Alden."


Saksi ang komedyanteng si Kakai Bautista sa namamagitan kina Alden Richards at Maine Mendoza habang sinu-shoot nila ang pinaka-unang pelikula ng dalawa, ang Imagine You and Me, na dinirehe ni Mike Tuviera para sa APT Entertainment, GMA Films, at M-Zet Television, Inc.

Kabilang si Kakai sa cast ng pelikula kung saan ang karakter niya ay kaibigan ni Maine.

Ayon pa sa talented performer, “Masaya, cute silang dalawa together. Masaya kami sa set.

“Siguro sa tagal na rin nila as team-up, mga one year na, na-build up na nila yung parang relationship na hindi naman natin alam kung ano ba talaga yung relationship na 'yan, dahil kahit ako naman, hindi ko naman gustong mag-assume.

“Pero masaya sila together. Yung concern nila sa isa’t isa, parang sobrang kilalang-kilala na nila ang isa’t isa.”

Exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kakai matapos ang presscon proper para sa pelikula na ginanap sa Novotel, Araneta Center, Cubao, Quezon City, nitong July 1.

GENUINE CLOSENESS. Ayaw magbigay ni Kakai ng kanyang opinyon tungkol sa nakikita niyang closeness nina Alden at Maine na para sa ibang nakakakita ay mayroon na raw pagkakaunawaan.

Paliwanag ng aktres, “Kasi pag inisip mo naman kasi silang dalawa as AlDub, siyempre kikiligin tayo nang bongga.

“Pero parang yung malalim na friendship nandoon. They complement each other.

“Si Alden, pag pagod na, kahit gustong kulitin ni Maine, alam niyang pagod na yung tao, hindi niya talaga kinukulit.

“Pag nagpapatawa si Maine, ina-appreciate niya yun. Tumatawa naman si Alden na hindi sila showbiz, kasi alam mong ganun na sila sa totoong buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN