Jodi Sta. Maria helps build house on 34th birthday

Jodi Sta. Maria's post-birthday celebration was held in Habitat Bistekville in Quezon City, where she and her closest friends helped build a house.


Dahil sa kanyang hectic schedule, mas pinili ni Jodi Sta. Maria na ipagpaliban ang magarbong handaan para sa kanyang 34th birthday noong June 16.

Pagkatapos ng trabaho, simpleng dinner lang daw kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan ang pinagkaabalahan ng Kapamilya actress.

Nang lumaon, hindi magarbo kundi makabuluhan ang piniling celebration ni Jodi sa pamamagitan ng isang birthday build sa Habitat for Humanity Philippines, na isang non-profit organization na tumutulong matugunan ang pangangailangan sa ligtas na tahanan ng mga pamilyang Pilipino.

Present sa nasabing event ang kanyang co-star sa Pangako Sa 'Yo na si Dominic Roque, ang kanyang anak na si Thirdy, pamilya, at mga kaibigan na Jodinatics.

Nang nakapanayan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Achy Breaky Hearts lead actress sa kanina, July 2, sa Habitat Bistekville, Quezon City, masaya niyang ikinuwento kung kanino nanggaling ang ideyang pag-volunteer sa nasabing organization.

"Since we didn’t have time really for this, dahil napuno yung schedule ko because we’re promoting for the movie, so we decided na humanap ng free day and ito yun.

“I have a friend who volunteered for Habitat for Humanity a few years back, and then she was the one who suggested na, ‘Why don’t you celebrate your birthday that way?’"

Okay kay Jodi ang idea lalo pa't marami siyang gustong ipagpasalamat at ito ang kanyang paraan para mag-give back.

“We only had about two weeks preparation and siyempre I’m very thankful to my friends, the Jodinatics, kasi sila talaga yung nag-coordinate ng lahat for this event to be possible.”

FINDING HER PURPOSE. Ayon kay Jodi, ito raw ang unang pagkakataon na nag-volunteer siya sa nasabing organization.

“After this, I’m hoping to do more in the future.

“To be able to see the community na natutuwa sila na parang alam nila na hindi sila nag-iisa, alam nilang may mga tao pa rin sa mundo na gustong tumulong, sobrang nakaka-fill ng soul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, it may be hard building a house, kasi we have experienced it firsthand, pero mas mahirap yung wala kang tirahan.

“So I think isa din yun sa mga goal ng Habitat for Humanity, to be able to provide a decent place to live in.

“It’s a very humbling experience and, ayun, sobrang daming learnings from this na parang walang taong nabubuhay para sa sarili lamang.

“Tinuruan tayo ng mundo na mag-focus sa sarili lamang, puro sa sarili, pero we really don’t find fulfillment and purpose in living a self-centered life. “

Nahanap na ba ni Jodi ang kanyang purpose sa buhay?

Ayon sa kanya, “Number one is to walk humbly with the Lord.

“And two, to serve people even in my own little way.

“We have to find a purpose larger than ourselves, so we’d be able to be fulfilled and live a fulfilling life.”

READ: Angelica Panganiban posts birthday message for Jodi Sta. Maria


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN