Jake Vargas still keeps "Bea" tattoo

Jake Vargas doesn't have any plans of erasing Bea Binene's name tattooed on his right arm: "Okey lang naman na nandiyan siya. Natatakpan ko naman siya minsan. Kung ipapabura ko po naman, malaking gastos pa. Baka hindi pa maganda ang lumabas."

 


Tatlong taon na ang nakakalipas mula noong maghiwalay sina Jake Vargas at Bea Binene, pero hindi pa rin magawang ipabura ni Jake ang ipina-tattoo niyang pangalan ng aktres sa kanyang kanang braso.

Ipina-tattoo ni Jake ang pangalan ng kanyang kasintahan noong kainitan pa ng relasyon nila. Pero nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa.

“Okey lang naman na nandiyan siya. Natatakpan ko naman siya minsan.

“Kung ipapabura ko po naman, malaking gastos pa.

“Baka hindi pa maganda ang lumabas.

“Kaya okey lang na nandiyan pa ang name ni Bea sa braso ko,” pahayag ni Jake nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center noong nakaraang June 29.

Ayon kay Jake, friends naman daw sila ng kanyang ex-girlfriend.

Saad niya, “Okey naman po kami ni Bea.

“Kapag nagkikita kami sa GMA, binabati naman po namin ang isa’t isa.

“Nawala na yung pagiging awkward namin sa isa’t isa. Naka-move on naman na kasi kami.

“Pero yung communication sa text o sa social media, wala pong gano’n.”

Nakakaranas pa ba siyang ng bashing mula sa mga fans ni Bea?

Ani Jake, “Kung meron man, hindi ko na lang po pinapatulan iyon.

“Bihira naman akong mag-tweet o mag-post sa Instagram.

“Kaya wala akong clue kung may nangba-bash pa sa akin.”

WILLING TO WORK WITH BEA. Willing naman daw si Jake na makatrabaho ulit si Bea. Depende raw kay Bea kung gusto nito o hindi.

“Para sa akin kasi, matagal na yung nangyari sa amin ni Bea.

“It’s time na makalimutan na ng marami iyon at maging professional na kami.

“Okey para sa akin to work with her. Yun nga lang, depende din yun kay Bea.

“Kung gusto ko nga pero ayaw naman niya, mahirap din yun.

“Pero sa akin, walang problema. Hindi ako tatanggi sa trabaho.

“Kahit sino puwede kong makatrabaho. Gusto ko lang maging professional sa lahat ng gagawin ko,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL SINGLE. Pinagdiinan din ng Kapuso actor na wala raw siyang girlfriend. Wala nga raw siyang niligawan kahit na noong nag-break sila ni Bea.

Mabuti pa raw si Bea ay may nababalitang bagong boyfriend na.

“Wala po talaga. Matagal na akong single.

“Hindi sa wala akong nata-type-an. Parang hindi ko na muna priority ang manligaw.

“Sinabi ko sa sarili ko na mas tututok ako sa career ko.

“Ayokong magkaroon ng distraction ngayon. Maraming plano ang GMA Artist Center sa akin.

“Pumirma ako sa kanila last March pa.

“Kaya wala munang ligaw-ligaw. Ang tanging karelasyon ko ngayon ay ang career ko,” sabay tawa niya.

NEW TV SHOW. May nakahandang teleserye na gagawin si Jake sa last quarter ng taon. Hinahanapan pa raw siya ng partner na babagay sa kanya.

Ang huling teleserye niya ay ang Buena Familia.

Lahad niya, “Kaya ang show ko lang ngayon is Pepito Manaloto.

“Pero sunud-sunod na ang mga guestings ko.

“Like sa Magpakailanman where I played Jeyrick Sigmaton a.k.a. Carrot Man.

“Maraming salamat at nag-trending ang episode na iyon sa social media.

“Katatapos ko rin lang ng Lip Sync Battle with Ken Chan.

“Pinaghahandaan ko rin ang gagawin naming show nila Derrick Monasterio, Rocco Nacino and Aljur Abrenica sa Music Museum titled Oh Boy! Sa August po ito kaya abangan nila.”

MISSING HIS MENTOR. Hindi pa rin daw nawawala ang lungkot ni Jake sa pagkawala ng kanyang manager at tatay-tatayan na si German “Kuya Germs” Moreno.

Pitong buwan na ang nakalipas mula noong magpaalam na si Kuya Germs, pero hindi pa rin totally nakaka-move on si Jake.

Pag-amin ng binata, “Nami-miss ko po si Tatay every day.

“Nasanay akong si Tatay ang nag-aasikaso sa akin. Sobra akong na-spoil ni Tatay.

“Siya ang bahala sa schedules ko at kapag kailangan niya akong pagalitan, papagalitan niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagsu-sorry naman ako kay Tatay after. Nadaanan ko siya sa lambing.

“Ngayon at wala na nga siya, I can still feel na nandiyan po siya at ginagabayan ako.

“Forever kong tatanawin ang malaking utang na loob sa kanya.

“Dahil kay Tatay, natupad ang mga naging pangarap ko sa buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN