Jennylyn Mercado stays with GMA-7 despite rumored offer from another network

Isa pa ring Kapuso si Jennylyn Mercado matapos niyang pumirma ng panibagong network contract sa GMA-7 ngayong araw, July 4. Natagalan lang daw ang kanyang pag-renew ng kontrata dahil sa dami ng kanyang ginagawa.


Nananatiling Kapuso si Jennylyn Mercado matapos pumirma ng 'long-term contract' ang actress-TV host sa GMA Network ngayong Lunes, July 4.

Umabot sa halos isang buwan at kalahati ang negosasyon para sa bagong network contract ni Jennylyn.

Ito ay dahil sa mga bagong stipulations na nais diumano ng kanyang kampo na maidagdag sa dati nitong kontrata sa istasyon, na nagtapos noong Mayo.

Bakit nga ba natagalan ang kanyang muling pagpirma ng kontrata sa GMA?

Paglilinaw ng 29-year-old Kapuso star, “Bakit po natagalan? Hindi naman po natagalan.

“Marami lang kailangang ayusin kasi marami na rin po kaming ginagawa.

“And I’m sure busy rin po sila [GMA executives], hindi po nag-meet yung schedules.

“Pero hindi naman natagalan.”

May mga bago bang nakapaloob na kundisyon sa kanyang kontrata? Guaranteed contract ba ito?

Ayon kay Jennylyn, “Siyempre, personal yun.

“Hindi naman namin puwedeng sabihin.

“Matagal, matagal po.”

Ayaw namang sabihin ni Jennylyn kung ilang taon ang kanyang pinirmahan at kung guaranteed na ba ang kanyang kontrata sa GMA Network.

“Basta andito pa rin ako, pamilya pa rin ako ng GMA,” sabi niya.

Sinamahan si Jennylyn sa pagharap niya sa presscon ng ilang GMA executives bilang pagpapakita ng suporta sa kanyang pananatili sa istasyon.

Kabilang sa kanila sina GMA Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable; GMA Vice President for Entertainment TV Marivin T. Arayata; GMA Films President Annette M. Gozon; GMA Vice President for Drama Redgie A. Magno; GMA Assistant Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy; GMA Assistant Vice President for Entertainment TV Darling de Jesus; GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi S. Lara; GMA Vice President for Corporate Affairs and Communications Angela Javier-Cruz; at ang program managers na sina Charles Koo at Cathy Perez.

NO OFFER FROM ABS-CBN. Bago pa man tuluyang mag-renew ng kontrata sa GMA, lumutang ang balitang may malaking offer daw ang ABS-CBN kay Jennylyn para lumipat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya raw natagalan sila dahil in-explore nila ang mga posibilidad na lumipat ng istasyon.

Pero ayon sa kampo ni Jennylyn, wala itong katotohanan.

Sorpresa rin para sa actress-TV host ang bagong titulong ibinigay sa kanya ng GMA—ang "The Ultimate Star."

Ano naman ang kanyang masasabi tungkol rito?

“Of course, I’m humbled and grateful.

“Sa totoo lang po, medyo hindi po ako kumportable na tinatawag ng mga title.

“Pero salamat po, maraming salamat po na binigyan niyo ako ng ganung title.

“I feel humbled and, at the same time, may konting pressure kasi kailangan mong ma-meet yun, e, yung mga expectations ng mga tao.

“At masarap yung pakiramdam.”

LOYALTY TO GMA. Taliwas sa mga haka-haka ng lilipat si Jennylyn ng network, nananatili pa rin siya sa istasyong nakadiskubre sa kanya.

Si Jennylyn ang Ultimate Female Survivor sa unang season ng artista search na StarStruck noong 2003.

Bakit nga ba loyal siya sa Kapuso network?

Tugon ni Jennylyn, “Ever since na, kahit bawat taping ko, bawat trabaho na ginagawa ko sa GMA, hindi siya feeling trabaho.

“Kasi ganun ako kumportable. Ito yung comfort zone ko, ang GMA.

“Masarap katrabaho yung mga parte ng produksiyon, mga staff, director.

“Masarap magtrabaho kasi parang pamilya yung turing nila sa ‘yo at hindi ibang tao.

“Maraming dahilan, ang babait ng mga boss natin. Masarap katrabaho yung mga co-artists natin.

“At sa tingin ko, hindi na yun mapapantayan ng kahit ano.

“Kasi kapag sinabi mong comfort zone mo ito, itong GMA, para mo nang sinabi na pamilya mo sila, bahay mo sila na inuuwian mo araw-araw.”

Marami raw gagawing proyekto si Jennylyn sa GMA Network ngayong nakapirma na muli siya ng kontrata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN