Jolina Magdangal saddened by the collapse of Sunshine Dizon's marriage

Jolina Magdangal supports the decision of Sunshine Dizon to let it all hang out and fight the dissolution of her marriage. Her advice: "Pagtibayin niya ang relasyon sa mga anak niya… labanan niya kung ano pa ang dapat labanan."

 


Secure na si Jolina Magdangal sa kanyang married life, kaya nalulungkot daw ang actress-singer sa nakikita niya sa ibang relationships sa showbiz.

Isa nga rito ay ang ang kasamahan ni Jolina sa PPL Entertainment Inc. na si Sunshine Dizon.

Hiwalay na si Sunshine sa mister nitong si Timothy Tan dahil diumano sa third party sa parte ng mister ng aktres.

Read: Sunshine Dizon to husband Timothy Tan: 'There is no forgiveness for what you did.'

Ayon kay Jolina, hindi sila close tulad nina Sunshine at Angelika dela Cruz na taga-PPL din, “Pero okey kami.”

Nag-reach out daw siya kay Sunshine nang nabalitaan niya ang nangyari sa marriage nito.

Saad ng ASAP mainstay, “Nalungkot ako, tinext ko siya na kung anuman ang pinagdadaanan niya, sana maging strong siya, nandito lang ako.

“Hindi ako makapaniwala, e, kasi noong magkasama kami sa soap, nakikita ko kung paano niya ikuwento si Timo [Timothy Tan].

“Yung journey niya mula nang magkaanak siya, so biglang nag-flashback sa akin yun.

“Parang hindi man kami close ni Shine, pero napag-usapan namin ang buhay may asawa.

“Alam mo yung medyo na-bother ka ng konti na mukhang darating talaga sa buhay ng mag-asawa na magkakaroon ng problema. Bakit?

“Sa sobrang lungkot ko, talagang tinext ko pa ang mga kapatid namin sa PPL na, 'iabas naman natin si Shine.'

“Talagang naaano ko sa pinagdadaanan niya.”

Nagpasalamat daw si Sunshine nang i-text at kUmustahin niya ito.

Sabi ni Jolina, “Doon sa text niya, alam mong strong siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina sa provincial tour para sa iniendorso niyang Super Twins Diapers sa Tacloban City.

Nakasama rito ng actress-singer ang anak niyang si Pele.

FIGHTING BACK. Planong lumaban ni Sunshine legally at hindi nito inilihim ang diumano’y pagtataksil sa kanya ng asawa.

Ano ang reaksiyon ni Jolina rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam kung yun ang tama at ganyan din ang mararamdaman ko, kasi wala ako sa ganung posisyon.

“Pero sa nakikita ko… dumating ang time na mangyari sa akin yun, parang ganyan din ang gagawin ko.

“Parang ganun ang dating sa akin, pero iniisip ko lang, baka pag-usapan muna bago ilabas.

“Pero hindi natin alam, baka ilang beses na rin pinag-usapan at sobrang napuno na.

“Pero ako, siyempre uunahin ko muna ang pag-uusap na kami lang.

“Kung hindi talaga at feeling ko sobra akong na-betray, baka ganyan din ang gawin ko, magdilim ang paningin ko.”

Hindi raw ibibigay ni Sunshine ang annulment na hinihingi ng asawa nito.

Pahayag ni Jolina tungkol dito, “Eto, hindi ko alam ang kuwento, ha, ang buong kuwento.

“Yung point of view ng followers, bilang normal na maybahay na pina-follow si Sunshine, gagawin ko rin.”

Ano ang maaari niyang ipayo o sabihin dito?

Sabi ni Jolina,“Magdasal saka pagtibayin niya ang relasyon sa mga anak niya.

“Huwag na huwag sanang magkaroon ng butas sa relasyon o communication nilang mag-iina, labanan niya kung ano pa ang dapat labanan.”

DO’S AND DONT’S. Hindi ba siya natatakot na posible ring mangyari sa kanila ng asawa niyang si Mark Escueta ang ganung sitwasyon?

Ayon kay Jolina, “Ngayon, hindi ko talaga maisip, hindi ko talaga ma-imagine na magkaka-third party kami.

“Hindi ko masyadong binobongga ang relationship namin ni Mark, pero yun ang tingin ko sa ngayon.

“Kasi, ilang taon pa lang naman kaming kasal, 2011, five years.

“So, as of now, yung five years na yun, okey na okey pa kami, e.”

Kampante siyang hindi magkakaroon sa pagsasama nilang mag-asawa?

Sagot ni Jolina, “Sa ngayon, hindi ha, kasi kapag nakakabalita kami ng ganun, parang nagre-reflect ka.

“Tinatanong namin ang isa’t isa, 'Bakit kaya sila nagkaganun?'

“Tapos, iisipin namin, at natutuwa ako na nanggagaling sa kanya na, 'Merong hindi pinag-usapan ‘yan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“O kaya minsan, kapag meron kaming tampuhan, ire-recall namin ang ganung usapan namin.”

Kung may sikreto man daw siguro sila sa pagsasama nilang mag-asawa, ito ay ang communication.

Sabi ni Jolina, “Huwag ka talagang magtatanim ng kahit anong question mark tungkol sa asawa mo.

“Kailangan mong itanong yun sa kanya… minsan hindi mo naman maiiwasan, sasabihin mo pa, baka lumaki lang.

“Pero hindi pa rin, e, unti-unting lalaki yun so huwag mo nang bigyan ng chance na lumaki pa.

“Ang palagi kong iniisip, ayokong gawin sa kanya yung ayaw niyang gawin sa akin.

“Kaya hindi ko rin ginagawa sa kanya.”

Dagdag pa ni Jolina, “Proud akong sabihin na hindi ko nakikita na magkakaproblema kami ni Mark, puwede akong magsalita nang tapos.

“Una, yung pagpapakasal, stressful din, magkakasundo kayo diyan dapat.

“Si Mark, hindi siya yung, 'Sige, ikaw na bahala.' Gusto ko, nakikialam din siya.

“Tapos, yung pagpapagawa ng bahay, nagkakaroon ng time na feeling ko, ang init ng ulo niya sa akin.

“Pero nagkakasundo kami, palagi kong pinagpi-pray na ganun.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN