Jolina Magdangal thrilled to hear screaming fans after all these years

Jolina Magdangal: "Siguro, totoo yung kapag minahal mo ang trabaho mo, minahal mo ang mga nanonood sa 'yo, nandiyan sila, hanggang sa mga anak nila."


Sa kabila ng marami nang bagong hinahangaang mga artista ngayon, marami pa ring tagasuporta ang dating teen star na si Jolina Magdangal.

Saksi ang writer na ito nang pagkaguluhan ng mga tao si Jolina nang magpunta siya sa Tacloban noong nakaraang linggo, kunsaan naging celebrity cashier siya sa Gaisano Central at nag-perform para sa Super Twins Diapers.

Sabi niya, “Parang naisip ko nga, parang sayang na sayang yung dalawang kanta.

“Sana mas marami pa, mas ma-entertain ko pa sila. Ang sarap ng feeling.

“Tapos noong tinanong sila kung napapanood nila ang Magandang Buhay, lahat halos oo, yung ganun.”

Dugtong pa ni Jolina, “Enjoy talaga ko sa ginagawa ko sa Super Twins. Ang dali lang, ang saya.

“Tapos nagagawa ko pa yung nagpipindot ako ng cash register, na ngayon, totoo na.

“Enjoy ako pag ganun talaga.”

Ano ba ang pakiramdam na hanggang ngayon ay mainit pa rin ang pagsalubong sa kanya ng mga tao?

Pahayag ng 37-year-old singer/actress/TV host, “Sa totoo lang, mas naa-appreciate mo, alam mong nadaanan mo na yun, alam mong iba na rin ang crowd ngayon.

“Millenial na nga ang tawag, di ba, tapos naa-appreciate ka pa rin.

“May nakita akong bata na sumasabat sa kantang ‘Laging Tapat.’

“Alam mo yung feeling na sobrang saya at thankful ka na ganun pa rin ang response nila.

“Siguro, totoo yung kapag minahal mo ang trabaho mo, minahal mo ang mga nanonood sa ‘yo, nandiyan sila, hanggang sa mga anak nila.

“Hindi man sobrang kagulo sila, pero may kuwento ang parents nila sa kanila, so dun yung pinaka natutuwa ako.

“Meron pa rin pala, ang sarap ng crowd scream na nakikita mong naa-appreciate nila.

“Siguro hindi ako pang-lounge, pang-screaming crowd ako.

“Pang-joke-joke ako ng bakla, kasi gusto ko silang kinakausap.”

Alam naman daw ni Jolina na marami nang bagong artista, lalo na pagdating sa mga love team, kaya mas masaya raw talaga.

“Alam niyo ako, hindi na ako nag-e-expect kasi, siyempre, napagdaanan ko na ‘yan, marami nang bago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos may anak na rin ako, maingat na rin ako sa pinipili kong gagawin ko.

“Kapag alam kong parang hindi pa ako sure sa ganyan, parang nagdadalawang-isip na ako.

“Dati, go lang nang go. Pero kapag may anak ka na pala, maiisip mo ang ganyan.”

ADMIRING TACLOBANOS. Samantala, humanga naman si Jolina sa mga bagong gusali sa Tacloban City at nakitang nakakausad na ang mga Taclobano pagkatapos ng malaking unos na humampas sa naturang siyudad.

Saad niya, “Pang-ilang beses ko nang nakarating dito, pero yung last na punta ko rito, matagal na matagal na, bago pa mag-Yolanda.

“Nagagandahan talaga ko sa Tacloban, parang walang malalaking building, parang ang lapit ng langit sa lupa.

“Ganito rin ang tingin ko sa GenSan, pero itong Tacloban, parang ikutin mo lang, parang may community ka na alam mong close.

“Parang ganun ang dating sa akin, sa mga napuntahan ko pa lang ha,” saad niya.

Napabilib daw siya ngayong nakabalik siya ng Tacloban pagkatapos ng mahigit dalawang taon na nanalanta rito ang Yolanda.

“Napabilib ako kasi, after ng Yolanda, biglang ang dami na rin nagsulputang bagong business, coffee shop.

“Yun ang kuwento nila, imbes na na-down sila after ng disaster, mas lalo pa silang bumangon.

“Na-improve nila ang buhay nila, parang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN