Jennylyn Mercado noncommittal about rumored project with Alden; dismisses competition with Marian

The Ultimate Star ang bagong titulo na iginawad ng GMA Network sa kanilang prime artist na si Jennylyn Mercado. Wala naman daw nakikitang kumpetisyon si Jennylyn sa pagitan nila ni Marian Rivera, na tinagurian namang Kapuso Primetime Queen.


Ngayong nakapirma na muli ng 'long-term contract' sa GMA Network ang tinaguriang The Ultimate Star na si Jennylyn Mercado, lalo tuloy lumalakas ang haka-hakang tuloy na ang pagsasamahang proyekto nila ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Ito ay ang Pinoy adaptation ng sikat na Korean series na My Love From The Star.

“Hindi ko pa alam,” ang unang sagot ni Jennylyn nang mausisa tungkol sa naturang proyekto.

Pero open ba siyang makapareha si Alden?

Tugon ng 29-year-old actress, “Aba, bakit hindi? Isang napakagandang blessing, if ever.

“Pero hindi ko pa masabi, hindi ako sigurado.

“Maaaring hindi ako. Puwedeng ako, puwedeng hindi.

“Hindi pa natin alam.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at entertainment editors si Jennylyn sa presscon nito matapos muling pumirma ng network contract sa GMA-7 ngayong araw, July 4.

Read: Jennylyn Mercado stays with GMA-7 despite rumored offer from another network

COMPETITION WITH MARIAN? Kasabay ng muling pagpirma ni Jennylyn sa Kapuso network, binigyan naman siya ng istasyon ng titulong 'The Ultimate Star.'

Sa lahat ng Kapuso female stars, sila pa lamang ni Marian Rivera—ang tinaguriang Kapuso Primetime Queen—ang may titulo.

Ibig bang sabihin nito ay magkakaroon na ng kumpetisyon sa kanilang dalawa?

Nakangiting sagot ni Jennylyn, “Wala namang kumpetisyon.

“Siguro yun ang isa sa ipagmamalaki ko sa GMA, kasi never naman kaming nagkaroon ng kumpetisyon dito, e.

“Magugulat kayo, backstage, nagtutulungan pa ‘yang mga ‘yan, nagkukuwentuhan.

“Wala akong nararamdamang kumpetisyon.”

Malayo na raw kasi ang nararating ni Jennylyn dahil nakakagawa siya ng blockbuster films sa labas ng GMA.

Bukod pa rito, nakatanggap na rin siya ng Best Actress awards.

Ano ang masasabi ni Jennylyn dito?

Saad niya, “Pareho-pareho lang kami.

“Ang importante, nagagawa namin nang mabuti yung trabaho namin, tsaka masaya yung mga tao.

“Kasi para sa kanila naman yun, para sa inyo naman yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kayo rin naman ang manonood nun sa mga ginagawa namin, siyempre natutuwa sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN