Lani Mercado speaks up about Jolo Revilla-Jodi Sta. Maria breakup

Mayor Lani Mercado on son Jolo Revilla's breakup with actress Jodi Sta. Maria: "Basta I always tell him, ang pag-ibig, hindi mo masabi kung kailan ang tamang panahon, e. So, take your time. Hindi naman dapat minamadali ang pag-ibig. Baka malay mo, dumating ang panahon, kayo rin talaga."


Nagbigay ng pahayag ang bagong mayor ng Bacoor City na si Lani Mercado tungkol sa breakup ng kanyang anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla at ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.

Humigit-kumulang apat na taon ang itinagal ng relasyon nina Jolo at Jodi.

Hanggang sa pormal nang ihayag ni Jodi ang pagtatapos ng relasyon nila ni Jolo sa Tonight with Boy Abunda kamakailan.

Read: Jodi Sta. Maria confirms breakup with Jolo Revilla: 'We are no longer together, but we are friends.'

Sabi ni Lani sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ano na po yun, kumbaga, they’re both adults.

“They know what they’re doing.

“At saka, kumbaga, basta ako nandito lang ako for Jolo.

“If he needs a shoulder to cry on, basta I always tell him, ang pag-ibig, hindi mo masabi kung kailan ang tamang panahon, e.

“So, take your time. Hindi naman dapat minamadali ang pag-ibig.

“Baka malay mo, dumating ang panahon, kayo rin talaga.

“At this point in time, you cannot say, e.

“This is the time to love yourself and improve yourself, develop yourself.

“Baka may iba ka pang misyon sa buhay.

“Tapos, later on, malay mo, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN