Yassi Pressman on James Reid and Nadine Lustre: "In love na talaga!"

Yassi Pressman on friends James Reid and Nadine Lustre: "Iba na talaga sa yung dati. Dati, magbabarkada lang kami; ngayon, magdyowa na sila. That's the difference. Si James kasi, dating single, so wala siyang masyadong worries."


Aminado si Yassi Pressman na sa sobrang kaabalahan nina James Reid, Nadine Lustre, at Andre Paras ay madalang na silang magkita-kita.

Pero buo pa rin daw ang pagkakaibigan nilang nabuo noon sa shooting ng pelikulang Diary Ng Panget (2014).

Huli raw silang nagkasama-sama nitong nakaraang MTV Music Evolution na ginanap sa Mall of Asia.

Kuwento ni Yassi, “Yung sa aming apat po, madalang na talagang magkasama kami.

“Yung usually, nagkikita kami ni Nadz, then sina James, like yung sa Evolution nga, dun lang kami nakumpleto.

“Like kanina, si Nadine lang ang kasama ko for the Candy Magazine pictorial.

“Pero meron ding time na nagkakasama-sama kami, like after work, hindi lang kami usually nagpu-post online.

“Pero madalang na rin nga po yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actress-VJ sa launching ng librong Direk 2 Da Poynt ng yumaong si Direk Wenn Deramas, na ginanap sa Le Reve Events Place, Diliman, Quezon City, noong July 2.

JADINE LOVE STORY. Sa puntong ito, naitanong namin sa kanya ang tungkol sa love story nina James at Nadine na mula sa love team na pampelikula ay nauwi sa totoong buhay.

Nangingiting sabi ni Yassi, “Siguro I've known it for a time na mangyayari.

“May time na parang feeling ko, friends lang sila, pero sobrang masaya ako na naging sila.

“Kung saan sila happy, susuportahan ko sila.”

Bilang kaibigan, humihingi ba sa kanya ng payo si Nadine tungkol sa relasyon?

Sagot ng Viva artist, “Minsan.

“Kapag... basta maski ano, like, halimbawa kapag may problem siya, kung meron siyang iniisip, tinatawagan naman niya ako lagi.

“Basta kung nag-uusap naman kami, tungkol lang sa amin, kung ano ang mga ginagawa namin.

“Kung ano ang mga tsikahan ng mga girls, yung mga ganun.”

NOT JEALOUS. Mabuti't hindi siya nagseselos kay James dahil naagaw na nito ang atensiyon sa kanya, lalo nga't sila ni Nadine ang mag-BFF?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung kanilang friendship na umabot pa sa bonding sa South Korea noong panahong may pinagdadaanan si Nadine.

Saad ni Yassi, “A,wala, hindi.

“Magseselos ako kay James? Hindi.

“Kasi, iba rin naman yung boyfriend sa best friend, di ba?

“Kasi iba din naman sila dahil magkasama sila every day sa work.

“Yung sa amin, espesyal din, kasi kung kailan kami nagkikita, dun kami nag-uusap nang sobra.

“Parang walang katapusan ang oras namin, parang walang difference.”

Kumusta naman ang dalawa sa paningin niya?

Nakangiting sagot ni Yassi, “Ano... in love na talaga!

“Ang sweet, iba na talaga sa yung dati.

“Dati, magbabarkada lang kami; ngayon, magdyowa na sila. That's the difference.

“Si James kasi, dating single, so wala siyang masyadong worries.

“Ngayon, bilang girlfriend na niya si Nadine, masyadong maingat siya.”

Mas gusto ba niyang single si Nadine o okey sa kanya na may boyfriend na ito?

Tugon niya, “Okey naman na may boyfriend siya.

“Kasi wala namang nagbago kung ano sila noon.

“So, okey lang talaga.”

YANDRE. Sa parte naman ni Yassi, ano na ang nangyari sa love team nila ni Andre Paras?

Hindi naman kaila na may iba pang ipina-partner sa ka-love team ni Yassi bukod sa kanya.

Sabi niya, “Okey naman.

“Kung maraming ka-love team si Andre, e, di pogi siya.

“Kung pinag-aagawan siya, it's good.

“Kasi meron siyang projects aside from kung ano man ang ginagawa namin.

“Kasi, at the end of the day, it's work and a blessing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN