VP Leni Robredo on meeting President Rodrigo Duterte: "Malayo siya doon sa dati kong nakikita sa TV."

Natuklasan daw ni Vice President Leni Robredo ang pagiging magalang at marespeto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang pulong sa Malacañang nitong Lunes, July 4. Ipinangako raw niya sa pangulo ang kanyang suporta sa administrasyon nito.


“Malayo siya doon sa dati kong nakikita sa TV at sa preconceived idea ko of him.”

Ito ang paglalarawan ni Vice President Leni Robredo kay President Rodrigo Duterte matapos ang halos isang oras na closed-door meeting nila sa Malacanang kahapon, July 4.

Read: Vice President Leni Robredo pays President Rodrigo Duterte courtesy visit in Malacaang

Ayon sa ulat ng GMA News Online, sinabi pa ni VP Robredo na magalang at malumanay magsalita ang pangulo.

“Yung sound and fury, nagmumura, madaling magalit, pinagagalitan kung sinong nakaka-get his ire. Ibang-iba.

“He was very respectful, malumanay magsalita.... Nahihiya pa nga ako kasi mina-'ma'am' niya ako.”

Marami namang netizens ang tila kinilig sa dalawang beses nang pagkikita ng mga pinuno ng bansa dahil sa mga larawang naglabasan, kung saan kitang-kita na para silang nagkakamabutihan at nagngingitian.

Kaya naman lumutang ang tambalang DuBredo [Duterte-Robredo] sa social media.

Pero ayon sa pangalawang pangulo, baka pakiramdam ng mga Pilipino ay nabunutan sila ng tinik sa lalamunan dahil sa wakas ay nagkita at nagkausap na sila ni Pangulong Duterte.

Maging ang kanyang tatlong anak ay may kapareho ring obserbasyon na para raw silang ‘love team.’

Sabi ni VP Robredo, “Palagay ko, kasi, because over the course of more than a month, parang all that was ever written about us was that we weren't seeing eye-to-eye.

“I think many Filipinos were relieved.”

THE MEETING. Sa inilabas na pahayag ni Vice President Robredo tungkol sa naging meeting nila ni President Duterte, iginiit nito na ang kanyang pangunahing pakay sa courtesy visit niya ay upang ipaabot sa pangulo ang kanyang suporta.

“Natutuwa tayo na nagkaroon tayo ng pagkakataong makausap ang ating Pangulo.

“Sinabi natin sa Pangulo na buong buo ang suporta natin sa kanya dahil ang kanyang tagumpay ay tagumpay ng ating bansa.

“Sabi niya nga, gawin kong mas regular yung pagbisita para alam ko yung mga nangyayari....

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nagpasalamat ako.”

Iniwan pa raw ni VP Robredo ang numero ng kanyang telepono sa staff ng presidente sakaling may mga nais itong direktang linawin sa kanya o may ipakisuyo itong trabaho.

Pero wala naman daw pormal na inalok sa kanyang cabinet post si President Duterte.

“Wala pa namang formal offer, pero I told him nga na wala naman ako doon to ask for work.

“Nandoon ako para i-assure siya ng aking suporta.

“With or without a Cabinet post, makakaasa siya dun.

“Sabi niya, 'Patuloy tayo mag-usap. Magtulungan tayo.'

“Nagpapasalamat siya sa suporta.”

“NAPAKA-HUMBLE.” Dagdag pa ni VP Robredo sa kanyang pahayag, sobrang mahinahon lang ang naging pulong nila ni President Duterte bilang pareho silang mga probinsiyano.

“You know, half of the time, we were just exchanging notes.

“It was a very good meeting... Mas friendly.

“We talked about the children, life in Manila now... How it is with security people around us already.”

Sobrang galang daw ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita rito at inihatid pa siya nito sa kanyang sasakyan.

“I was telling him, 'Mr. President, huwag mo na po ako ihatid.'

“Sabi niya, 'That will be very ungentlemanly of me if I don't bring you down kasi babae ka.’

“We had to wait for it [the car] to enter the gates again and he waited the entire time.

“Kasi yung thank you ko yata, nag-bow ako. Sabi niya, ‘Huwag.’

“I said, 'But you're my boss, Sir.'

“He said, 'Don't take it very seriously.'

“Napaka-humble.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN