Naglabas ng hinaing ang aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account kaugnay ng ilegal na pagkalat sa social media ng kopya ng pelikulang The Achy Breaky Hearts ng Star Cinema.
Nauna nang binatikos ng direktor ng pelikula na si Antonette Jadaone ang mga tanong nagkakalat ng kopya nito sa Facebook.
Read: Direk Tonet Jadaone enraged by online piracy; says, 'Tayo ang papatay sa sarili nating industriya.'
Nitong Martes ng gabi, July 5, nag-post si Angelica sa Instagram upang ibahagi ang mga sakripisyo na dinadanas ng mga artista at ng staff ng gumagawa ng pelikula.
Saad ng Kapamilya actress, “Alam po ba ninyo kung gaano kahirap gumawa ng isang kwento? Isang pelikula? Isang eksena at isang shot?
“Kung ano’ng kailangan namin gawin, isipin, isakripisyo para lang makaarte kami nang tama? Para may mapanood kayong makabuluhan, may aral? Yumbang may sense.”
Sabi pa ni Angelica, hindi biro ang hirap na dinadanas nila sa kanilang propesyon.
“Alam n’yo po ba kung ilang oras lang ang tulog namin kapag gumagawa kami ng pelikula?
“Alam n’yo bang kadalasan hindi namin nakakasama pamilya namin dahil may tinatapos kaming playdate? Napakahirap po ng trabaho namin.
“Hindi ho namin sinisira ang kabuhayan ninyong mga nanonood ng pirata.
“Pero bakit kayo? Tinatanggalan ninyo kami ng kabuhayan?
“Yes. Affected ako. Dahil biktima na ‘ko ng piracy.
“At affected ako dahil pangalawang beses na ‘tong nangyayari sa kaibigan kong direktor na walang sawang nagbibigay sa inyo ng pelikulang nagpapasaya, nagpapaiyak at nagtuturo sa inyo kung pa’no magmahal.
“Tigilan niyo na ang piracy.
“Wala kayong pera, pero may pangbayad kayo ng wifi at pang bili ng computer?
“EhDiWow!!”
Idinirek ni Jadaone si Angelica sa pelikulang That Thing Called Tadhana (2014), kasama si JM de Guzman.
Kumalat din noon ang pirated copy ng pelikula kahit na ipinapalabas pa lamang ito sa mga sinehan.
Samantala, nanawagan din ang ilang stars ng The Achy Breaky Hearts laban sa pagpirata sa kanilang pelikula, kagaya nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.
Ipinost ng dalawa ang kanilang panawagan sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts.
Help us stop PIRACY. Stop the spread or Pls report or email links to report@abs-cbn.com maraming salamat for your support!
— Richard Yap (@ImRichardYap08) July 5, 2016
Let's all work together for the better future of the local film industry ???? https://t.co/yN9NoCedBB
— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) July 5, 2016