Duterte supporter Kat de Castro assumes post as DOT undersecretary

Si Katherine de Castro, anak ng ABS-CBN news anchor at dating vice president na si Noli de Castro, ay kabilang na sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte. Siya ay itinalaga bilang undersecretary ng Department of Tourism.


Kasabay ng pag-upo ni President Rodrigo Duterte bilang pangulo ng bansa ay ang pagtatalaga ng appointees sa lahat ng sangay ng gobyerno.

Karamihan sa mga napili ni Duterte na maging miyembro ng gabinete ay mga kaklase niya noong high school at college, mga kababata at kaibigan, pati na kasamahan sa dormitory sa Maynila kung saan siya nagtapos ng abogasiya sa San Beda College.

Ngunit kapansin-pansin na ang ilang nakapuwesto sa mga ahensiya ng gobyerno ay mga taong tumulong noon sa kampanya ni Duterte.

Kabilang na rito si Katherine ‘Kat’ de Castro, na itinalaga bilang Department of Tourism (DOT) undersecretary for tourism advocacy and public affairs.

Isa si Kat sa mga masugid na nangampanya para kay Duterte nang libre.

Si Kat ay anak ng batikang mamamahayag at dating bise presidente na si Noli de Castro.

May sarili rin siyang production house kung saan nagpo-produce siya ng travel show sa ABS-CBN.

Sa Instagram, makikita kung gaano ka-excited si Kat sa kanyang bagong trabaho sa gobyerno.

All day meeting at the DOT! ????

A photo posted by Kat De Castro (@katdecastro) on

Done with the 2nd day of transition talks with Incoming DOT Sec. Wanda Teo. ???? #Entice #Excite #Extend #DOT

A photo posted by Kat De Castro (@katdecastro) on

Isa raw sa malaking proyektong pagtutuunan ng DOT ay ang pagsulong na sa Pilipinas gawin ang Miss Universe 2016.

OTHER CELEB APPOINTEES. Bukod kay Kat, ang iba pang celebrities na nagbigay ng oras at panahon para ikampanya si Duterte noong nakaraang eleksyon ay sina Arnell Ignacio, Mocha Uson at Mocha Girls, Jimmy Bondoc, Aiza Seguerra, Liza Dino, at Robin Padilla.

Ayon sa mga naunang balita, inalok diumano ni President Duterte si Aiza ng puwesto sa gobyerno pero tumanggi ito.

Nakumpirma na rin ang pagtatalaga kay Arnell Ignacio bilang AVP for Community Relation and Services Department ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

May puwesto na rin daw ibibigay sa singer na si Jimmy Bondoc.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN