Robin Padilla: "Rebolusyonaryo ako, I do not join government. I fight government."

Robin Padilla has more to say: "Hindi ako tumulong kay Mayor Duterte para humingi ng position. Huwag na natin istorbohin si mahal na Pangulo, masyado siyang busy. Si Presidente naman ang nagsabi, kung meron kang idea at maganda ang idea mo, makakarating sa kanya."


Mismong si Robin Padilla na ang nagsabing hindi siya naghihintay na mabigyan ng posisyon sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa kadahilanang wala raw talagang planong sumabak sa pulitika ang aktor.

“Rebolusyonaryo ako, I do not join government. I fight government. Totoo,” giit ni Robin.

Dagdag pa niya, “Hindi ako tumulong kay Mayor [former Davao City Mayor Duterte] para humingi ng position.

“Yung posisyon na ‘yan, ibinibigay sa mga magna cum laude.

“Ako, ano lang ako, e, cum laude lang ako. Hahaha!”

Hindi kaila sa publiko na isa si Robin sa showbiz personalities na sumuporta sa pangangampanya ni Duterte noong nagdaang eleksyon.

Pero inilinaw giniit ng aktor na hindi rin siya hinikayat ni Presidente Duterte na makilahok sa administrasyon nito.

“A, hindi na po. Huwag na natin istorbohin si mahal na Pangulo, masyado siyang busy.

"Si Presidente naman ang nagsabi, kung meron kang idea at maganda ang idea mo, makakarating sa kanya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin pagkatapos ng presscon para sa ika-apat niyang taon bilang endorser ng Moneygram, na ginanap sa Spices restaurant, sa The Peninsula Manila, Huwebes ng tanghali, Hulyo 7.

POLICE GENERALS. Hiningan din ng PEP ng komento si Robin sa tahasang rebelasyon ni Presidente Duterte tungkol sa high-ranking generals na diumano’y sangkot sa illegal drug activities.

Sabi niya hinggil sa isyu, “E, siyempre, alam niyo kasi sa batas natin, laging favorable sa accused.

“So, kung ano man ang sinabi ni Mayor, sigurado ako may pinanghahawakan si Mayor.

“Lalo na presidente na ng Pilipinas ‘yan. Ang mga information niyan, A1 information ang hawak niyan.

“Pero siyempre, dahil tayo ay demokratikong bansa, laging ang ating iniisip ay favorable sa accused.

“Antayin muna natin mapatunayan sa korte yung mga akusasyong ito bago natin masabi na ginawa nga nila.”

Martes, Hulyo 5, nang pangalanan ni Presidente Duterte ang diumano;y mga sangkot sa illegal drug trafficking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sina retired Philippine National Police (PNP) Deputy Director General Marcelo Garbo Jr., former National Capital Region Police Office chief Director Joel Pagdilao, at Western Visayas regional director Chief Superintendent Bernardo Diaz.

Ayon pa rin kay Presidente Duterte, sangkot din umano sina Quezon City Police District director Chief Superintendent Edgardo Tinio at retired police general Vicente “Vic” Loot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN