Angel Locsin exchanges tweets with ex-boyfriend's dad Edu Manzano

Edu Manzano's tweet to Angel Locsin: You're most welcome anak. Now I know to look for new ones sa lahat ng pupuntahan ko. Stay healthy!


Tila nanatiling maganda ang pakikitungo ni Angel Locsin kay Edu Manzano, ama ng dating nobyo ng aktres na si Luis Manzano.

Base ito sa Twitter post ni Angel kung saan inihayag niya ang pasasalamat kay Edu sa ibinigay nitong souvenir magnet mula sa New York.

Agad namang sumagot si Edu at sinabing bibilhan niya ulit ng souvenir magnet si Angel mula sa kung saan mang lugar na pupuntahan nito.


Sabi pa ni Edu kay Angel, "Stay healthy!"

Minsang nang naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nasorpresa si Edu nang una niyang mabalitaan ang tungkol sa hiwalayan ng anak na si Luis at Angel.

Lalo pa't pumutok ang balita ukol dito ilang linggo matapos magbakasyon ang pamilya ni Luis at pamilya ni Angel sa U.S.

Gayunman, nilinaw ni Edu na sadyang hindi raw siya nakikialam sa love life ng anak.

Sabi ni Edu sa panayam ng PEP noong Pebrero, "I always tell my son I would never give my advice because it’s not my life.

I let him make his choices.

Kasi, at the end of the day, you have to live with your choices.”

READ: Edu Manzano refuses to weigh in on Luis Manzano-Angel Locsin relationship trouble




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN