Dominic Ochoa excited about life changes after biggest showbiz break

Dominic Ochoa feels thankful for the younger generation of fans who idolize him because of his superhero role in the ABS-CBN fantaserye My Super D: "Actually, natutuwa ako dahil lately pag lumalabas tayo, hindi na matroniks [may edad] ang lumalapit sa atin, kundi mga bata na."


Aminado si Dominic Ochoa na naghatid ng ilang pagbabago sa buhay niya ang ibinigay na oportunidad at big break sa kanya ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television na maging bida sa Kapamilya teleseryeng My Super D.

Ginagampanan niya ang role ni Super D at Dodong. Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng My Super D sa July 15 ay masasabi niyang memorable ang experience na ito sa kanya.

“This is our last taping day but it was a good experience given to us by Channel 2 and Dreamscape.

“Actually, natutuwa ako dahil lately pag lumalabas tayo, hindi na matroniks [may edad] ang lumalapit sa atin, kundi mga bata na.

“I think it’s a very big factor also for me as an actor and my responsibility bilang isang artista na gumaganap ng ganito [superhero], yung mga bata tinitignan ka talaga as a superhero.

“So, napakaimportante yung responsibilidad ko bilang si Super D na magpamahagi ng magandang asal sa mga bata especially.

“It’s been a good five and half months of taping and working with good actors.

“And I’m very, very thankful and so blessed na mabigyan ng ganitong klaseng role,” sabi ni Dominic.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic sa last taping day ng My Super D noong July 6 sa Malabon.

Ikinatutuwa rin ni Dominic na sa tuwing lumalabas daw siya ay Super D na ang tawag sa kanya lalo na ng mga bata. May kuwento pa si Dominic sa experience niya sa isang bata.

Kuwento niya, “I went to Tanay, may nadaanan ako na batang papasok pa lang siguro sa eskuwela.

“Yung bata talagang… kung makita n’yo lang yung hitsura nung bata parang, ‘Sino yung nagmamaneho ng kotse?’

“Kasi I drive, e. I don’t have a driver.

“Parang, ‘Sino yung nagmamaneho? Si Super D yun!’ Parang yung mukha niya kung mababasa mo lang nakakatuwa na tignan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong paraan ang ginagawa niya para magpasalamat lalo na sa mga batang umiidolo sa kanya?

Lahad niya, “Well, I’m always thankful.

“Every time I see the kids, every time may nagpapa-picture, whole-heartedly talagang nandodoon ako.

“Tumitigil ako. I came from the munisipyo ng Muntinlupa yesterday and iba rin. Grabe! Pero iyon lang ang tanging pasasalamat mo e, to stop and just magpa-picture ka.

“Kasi kung dadaanan mo lang sila and kakawayan mo, walang mangyayari e.

“I think iyon lang ang tanging pasasalamat ko sa kanila, to stop and say, ‘Maraming salamat.’

“Nung nag-ASAP kami noong Linggo, ganun din. I have to stop kahit na pinapaabante na ako.

“Ang layo ng nilakbay ko from Resorts World to Maxim’s. That’s where I park.

“But I have to stop, I couldn’t say no.

“I have to do it, I have a responsibility. Hindi ko sila mapasalamatan man lang, e.

“Eto, yung litrato ng isang superhero kuno ang maibibigay ko sa kanila.”

REMEMBRANCE. Dahil memorable kay Dominic ang pagganap ng Super D may gusto raw siyang gawin bilang remembrance ng kanyang biggest break sa showbiz.

Aniya, “Memorable to the point na I actually want a suit [ni Super D] and ipapaeskaparate ko sa loob ng bahay ko.

“I mean let’s be realistic here, maraming role na puwedeng ibigay sa atin—rapist, magnanakaw, kontrabida—but at 42 years old to be axact, kailan ka mabibigyan ng role ng superhero?

“Di ba parang ang malasakit ko na lang dito, may isa akong pamangkin, anak ng sister-in-law ko, hindi ako pinapansin noon.

“Pinapansin pero hindi yung ganun. Pero ngayon, ‘Uncle Dom, Super D, Super D!’

“Talagang iba yung effect. Ako kasi gustung-gusto ko ang bata, enjoy na enjoy ako sa bata.

“And ako, I have a four-year-old kid na natutuwa rin kay Super D. That’s why I’m thankful for this show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BONDING WITH MARVIN AGUSTIN. Masaya rin si Dominic na ang My Super D ang nagsilbing reunion project nila ng kanyang kaibigang si Marvin Agustin, na gumaganap na kontrabidang si Tony a.k.a. Zulu.

Ito nga rin daw ang naging paraan upang magkasama si Marvin at ang anak ni Dominic, na inaanak ng kaibigan.

Masaya niyang saad, “Okey naman, kasi natutuwa siya. Hindi niya lang nakikita yung tatay niya, nakikita niya rin yung ninong [Marvin] niya.

“Kahit hindi niya masyadong nakikita before, nakikita niya ngayon yung ninong niya na kasama ng daddy niya.

“So, madalas na sinasabi niya, ‘Okay, you remind ninong yung regalo niya sa akin. Hindi, joke lang.'

“Pero yung the fact na kasama ko yung isa sa malalapit sa akin sa industriyang ito, si Marvin, natutuwa lang ako doon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN