Rita Avila's book is now a stage musical

Rita Avila feels happy that her book, The Invisible Wings, is now a stage musical: "Hindi ko rin alam na magiging ganito. Siyempre, nakakatuwa. Yung pagiging author nga lang, malay ko ba na mangyayari sa akin, tapos 'eto, musical play na siya."

 


Masayang ibinalita ni Rita Avila na magiging musical play na ang libro niyang The Invisible Wings at ipapalabas ito sa St. Scholastica's College Manila sa August 18-28.

Sina Harlene Bautista at Peter Serrano raw ang mga producers at napili nga ang libro niya. English at Tagalog versions daw ang gagawin at ibibiyahe rin ito sa probinsiya.

“Sabi ni Peter Serrano, parang yung mga bata ngayon, wala na masyadong values.

“Kaya naisip niya yung book ko. Yung Book 1 muna. Tapos, parang nae-excite sila Harlene na, 'E di gawin nating series,'” kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Anong pakiramdam niya naging musical play ang libro na binigyan ng recommendation ng walang iba kundi ang Santo Papa, si Pope Francis, noong ipinaabot ito ni Rita sa grupo nila noong bumisita siya dito noong 2014.

READ: Pope Francis sends thank you letter to Rita Avila

Naging inspirasyon ni Rita sa pagsulat ng libro ang anak niyang si Ellia Jesu na one-year old pa lamang noong binawian ng buhay.

READ: Rita Avila's baby dies

Sabi ng aktres, “Oo nga, hindi ko rin alam na magiging ganito.

“Siyempre, nakakatuwa. Yung pagiging author nga lang, malay ko ba na mangyayari sa akin, tapos ‘eto, musical play na siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN