Rita Avila reveals missed chance to adopt baby

Rita Avila narrates how she and her hubby Erick Reyes suddenly decided to adopt a baby, but by some twist of fate, the plan didn't push through: "Baka sa kausap niya binigay ang baby. Siyempre, hindi naman kami yung kausap niya directly."


Nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan si Rita Avila kung may plano na silang mag-ampon ng kanyang asawa, naikuwento nito na muntik na raw silang magkaroon ng ampon, pero hindi raw ito natuloy.

Matatandaang sumakabilang-buhay ang anak nilang si Ellia Jesu noong December 2006 due to heart complications, at mula noon ay hindi pa sila nabibiyayaan ng anak ng kanyang mister, ang TV director na si Erick Reyes.

READ: Rita Avila's baby dies

Kuwento ni Rita, “Hindi naman pina-plan.

“'Tapos, noong in-offer sa amin, talagang nag-isip kami, kasi may deadline.

“Kinausap na namin siyempre ang mga households, pati mga aso.

“Yung alam mo yun, kung kailan naghanda ka na, nag-yes ka na, excited ka na sana, dadalhin na sa bahay.”

One-month old baby raw sana ang aampunin nila.

Sabi pa ni Rita, “Nag-disinfect na 'ko, 'Maligo na tayo, darating na ang baby.'

“Shocks sabi, baka bukas daw ihahatid. So lahat kami siyempre bitin.

“'Tapos, kinabukasan, sabi kukunin daw ng nanay, so parang lahat kami naka-hang.

“Parang friend ng friend kasi ng nanay, pero dadaan din sa DSWD.

“'Tapos, nakita namin ang picture ng bata, so na-excite na kami.”

Natawa rin si Rita nang tanungin namin kung ano ang nakapag-kumbinse sa kanila na mag-adopt.

Aniya, “Hindi rin namin alam. Baka parang bigla-biglaan ang mga pangyayari.”

Bakit umurong ang nanay?

“Baka sa kausap niya binigay ang baby. Siyempre, hindi naman kami yung kausap niya directly.”

Pero yung pagkakataon lang daw na yun sila naging desididong mag-asawa na mag-ampon. Dati, talagang hindi pa sila open.

“Siyempre noon, we were still trying na baka puwede pa. Pero through the years, sige okey lang, baka ganyan ang buhay, e.”

Gusto pa rin nila?

“Baka. Baka, 'di ba?

“Actually, hindi ko rin alam kung bakit kami nag-decide.

“Baka may time limit kasi na mag-decide kami, at saka, sabi ko rin sa husband ko, this time, may excitement on my part.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, 'E ikaw, kung gusto mo, kasi it’s not an easy job.'

“Sa edad namin, parang relax na lang tayo. Ewan ko, parang ngayon, may excitement.

“Pero siyempre, kailangan pareho na gusto namin, suportahan naman kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN