Dick Israel visits Jinggoy Estrada and Bong Revilla

Jinggoy Estrada and Bong Revilla reunite with Dick Israel at their detention cell in Camp Crame.


Isang espesyal na bisita ang dumalaw sa mga dating senador na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa kanilang detention cell sa Camp Crame kahapon, July 10.

Ito ay ang veteran actor na si Dick Israel.

Sa Facebook post ni Jinggoy, isang larawan nila ni Bongbong kasama ang kanilang madalas na kontrabida at sidekick sa pelikula na si Dick.

Kasama ring dumalaw ang dating komedyante na si Amay Bisaya.

Sabi ni Jinggoy sa kanyang post: “Isa sa pinakamagaling na character actors na nakatrabaho ko. Salamat sa pagdalaw sa amin ni bong. Si dick israel hindi si amay bisaya. Hehehe...”

Nag-post din ang asawa ni Bong na si Bacoor City Mayor Lani Mercado ng ilan pang larawan nina Bong, Jinggoy, at Dick.

Sa isang post, makikita ang masayang ngiti ni Dick habang ipinapakita ang T-shirt na bigay sa kanya ng dalawang aktor.

Nakasulat sa T-shirt ang ganito: “Bong Jinggoy walang iwanan, kaibigan ng bayan.”

Matatandaang naging viral kamakailan ang larawan ni Dick, kung saan ipinakita ang kasalukuyan nitong kalagayan.

Nagkaroon siya ng personal na trahedya matapos masunugan, na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang mga ari-arian.

Paralisado na rin ang kalahating katawan ng beteranong aktor matapos ma-stroke noong 2010.

Dahil dito, unti-unting bumuhos ang mga tulong para kay Dick mula sa mga kapwa niya artista.

Kabilang na rito ang ginagawang fundraising nina Vivian Velez at Nadia Montenegro sa pamamagitan ng Damay Kamay Foundation.

Ang foundation na ito ang naglunsad din ng mga fundraising events para sa mga nangailangang artista tulad nina Julio Diaz, Richard Merk, at Ricky Rivero.

Read: Vivian Velez overwhelmed by outpouring of support for Dick Israel


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN