Alden Richards and Maine Mendoza named YES! 100 Most Beautiful Stars 2016

YES! editor-in-chief Jo-Ann Maglipon on AlDub being chosen as the YES! 100 Most Beautiful cover for 2016: "At this, time I think they are the hottest and the most sought-after."


Sina Alden Richards at Maine Mendoza, o mas kilala sa kanilang love team na AlDub, ang hinirang na Most Beautiful Stars sa annual YES! 100 Most Beautiful list ngayong 2016.

Sa press conference ng special annual edition ng kilalang entertainment magazine, na ginanap sa Luxent Hotel ngayong Lunes, July 11, ipinaliwanag ni YES! at PEP.ph editor-in-chief Jo-Ann Maglipon kung paano napagdesisyunan ng YES! editorial staff na ang AlDub ang manguna sa listahan ngayong taon.

Pahayag niya, “Because I don’t think there’s any way that you can say that they are not the most beautiful.

“At this time, I think they are the hottest and the most sought-after.”

BETWEEN ALDUB AND MISS UNIVERSE. Inamin din ni Jo-Ann na pinag-aralang mabuti ng YES! staff kung sino sa pagitan ng AlDub at ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach ang mas karapat-dapat.

Sabi niya, “Pia Wurtzbach, bless her soul, I think liked the idea of being on the cover of YES! 100 Most Beautiful.

“I thought it was a joke at first,” pahayag ng respetadong entertainment editor nang makausap si Pia sa isang dinner party para sa beauty queen noong January.

“But the team chose these two,” pagtukoy niya sa AlDub.

Dagdag pa ni Jo-Ann, “Nag-hang lang at one point because of Pia, na nalaman namin through the grapevine, seryoso pala ang request niya na matagal na pala niyang gustong maging cover ng 100 Most Beautiful.

“And I said to her, ‘But Pia, you are already Miss Universe.’ And I didn’t take it seriously.

“But I found out later she would really have loved to be on the cover, so we made her the cover of the regular issue.”

Si Pia ang cover ng YES! June 2016 issue.

Dahil daw sa karangalang nasungkit ni Pia sa Miss Universe kung kaya’t kinailangang ikunsidera ng staff na mailagay siya sa cover ng YES! 100 Most Beautiful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit sa bandang huli, nagkaisa ang staff na ang AlDub ang gawing cover.

“The staff determines who is in the cover, who is inside. Everyone in the staff uniformly wanted Alden and Maine,” sabi ni Jo-Ann.

Bukod kina Alden at Maine, dumalo rin sa launch kanina ang iba pang mga artista na kabilang sa YES! 100 Most Beautiful list ngayong 2016.

Nandoon ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Andre Paras, Kris Bernal, Mike Tan, Ken Chan, Benjamin Alves, Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, Bianca Manalo, Jerald Napoles, at Rochelle Pangilinan.

Dumating din ang Kapamilya stars na sina JC de Vera, Bela Padilla, Nash Aguas, Alexa Ilacad, KZ Tandingan, Inigo Pascual, Sofia Andres, Miles Ocampo, Bailey May, Ylona Garcia, at Grae Fernandez.

Namataan din ng PEP ang mahuhusay na character actors na sina Alex Medina, Nicco Manalo, at Nico Antonio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN