What's the real score between Alden Richards and Maine Mendoza?

"What you see is what you get," says Alden Richards about his relationship with Maine Mendoza.


Hindi nakaiwas sina Alden Richards at Maine Mendoza sa tanong tungkol sa estado ng kanilang relasyon sa press launch ng YES! Magazine 100 Most Beautiful Stars 2016 kahapon, July 11.

Sandali lamang ang pagkakataon sa mga miyembro ng media para tanungin ang featured stars sa cover ng naturang special issue ng YES!, subalit nakalusot pa rin ang tanong na: “What's the real score between the two of you?”

Nag-usap muna ang dalawa bago nila sagutin ang tanong ng batikang entertainment columnist na si Aster Amoyo.

Sabi ni Maine, “Basta po masaya po kami. Yun lang. Yun lang, masaya po kami sa relationship po namin.”

Sinuportahan naman ni Alden ang sagot ng kanyang ka-love team at sinabing, “Kumbaga, what you see is what you get.”

MUTUAL UNDERSTANDING. Matatandaang sa press conference ng first solo movie nila na Imagine You and Me, napasagot ng “opo” si Alden nang tanungin kung may relasyon na sila ni Maine.

Pero agad naman niyang paglilinaw, “Alam niyo na po yun... mutual, nagkakaintindihan.”

Pabiro rin itong sinuportahan ni Maine, “Father-and-son relationship, kuya-and-ate relationship.”

Kasunod nito ay seryosong sinabi nina Alden at Maine kung paano naging mas matatag ang relasyon nila bilang magka-love team.

Ayon kay Alden, “Yung naging process po namin for one year, ganun din po sa movie.

“Parang roller-coaster, up and down, paikut-ikot; minsan steady, minsan hindi.

“Kumbaga, nari-realize po namin na kung ano po ang naging relationship namin, nakatulong po yung mga pinagdaanan namin all throughout.”

Dagdag naman ni Maine, “Parang naging strong kami, ganoon kami ka-strong.”

Read: Alden Richards and Maine Mendoza reveal how they feel about bashers


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN