Rafael Rosell admits he's not on good terms with ex-girlfriend Olivia Medina

Rafael Rosell on reason of his breakup with Century Tuna Superbods 2016 winner Olivia Medina: "We realized during the relationship na hindi pareho yung direksiyon namin sa buhay, iba yung perspectives namin. So, I guess, it's very important to have same perspectives and share similar interests."


Masaya raw si Rafael Rosell sa pagkapanalo ng ex-girlfriend niyang si Olivia Medina sa Century Tuna Superbods 2016 contest.

“I feel really proud for her!” sambit niya.

Pero hindi raw niya na-congratulate si Olivia nang personal dahil wala na silang komunikasyon ngayon.

“Civil, pero we don’t keep in touch.”

Magkagalit ba sila?

“Hindi ko alam sa sitwasyon niya, e, dahil ako okay ako, I’m happy for her.

“They [GMA production] even asked me for her number dahil baka puwede siyang i-guest dito sa show, sa beauty pageant,” pagtukoy ni Rafael sa bagong drama series niya sa GMA Network, ang Sinungaling Mong Puso, kung saan magkakaroon ng isang eksena na may beauty pageant.

Patuloy niya, “Wala akong problema dun.

“Pero after we broke up kasi, hindi ko na tsinek yung status namin, kung civil ba o hindi dahil from last what I could recall, blocked ako sa Instagram niya, so…”

Bakit sila nag-break pagkatapos ng mahigit isang taong relasyon?

“We realized during the relationship na hindi pareho yung direksiyon namin sa buhay, iba yung perspectives namin.

“So, I guess, it’s very important to have same perspectives and share similar interests.”

Sino ba ang nakipag-break kanino?

“It was a mutual decision,” sabi ni Rafael.

Kung ganun, galit ba sa kanya si Olivia kaya blocked siya sa IG account nito?

“I don’t know… I don’t know if I’m still blocked, I never checked again.

“Siguro the first month after the breakup, I checked kung na-unblock ako, pero…”

May ideya ba siya kung bakit siya binlock ni Olivia?

“I don’t know, maybe she’s, I don’t know… mad at me still?

“I don’t know, hindi ko talaga alam, e. I can’t speak for her kasi, e, so…”

Hindi rin daw alam ni Rafael kung bakit galit sa kanya si Olivia. Hindi niya inalam ang rason?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, siyempre hindi naman lahat nagiging happy after ng breakup.

“So… siguro nakalimutan lang niya i-unblock.”

BLOCKED. Kailan niya huling nakausap si Olivia?

“Nung breakup namin.

“I was just blocked siguro nung ano, I think… kailan ba kami nag-break? Mga May?”

Of last year?

“I think so. Or iyon yung mga on-the-rocks kami.

“Siguro nag-away kami tapos na-block niya ako.

“Tapos nung nag-usap na kami nang maayos, naayos na ang lahat, hindi ko na tsinek kung naka-block pa rin ako.

“Pero a month later, nung tsinek ko, parang, ‘No posts yet.’

“So, sabi ko, ‘A, okay, naka-block.’”

Malaki ba ang naging away nila noon?

Sagot niya, “Maraming differences, and I would try to work on the friendship parang hindi ano, e.”

Hindi pa rin sila magkaibigan?

“Hindi, hindi kami nagkita, civil…

“We’re not arguing, not bashing, hindi kami nagkakasiraan.

“We decided na parang, ‘Okay, this is not working out.’

“We tried working on our friendship din, it seemed like it would progress in the right directions.

“So we just thought na parang, ‘Okay, I’m happy for you. Whatever’s happening with you right now, you go your direction, I go mine. We keep it civil if ever we see each other.’ ‘Okay!’”

Pero hindi pa raw sila nagkita, sinadya man o hindi, matapos ang breakup nila.

“If ever, I’ll say hi, wala naman akong problema dun.”

Mag-hi back kaya sa kanya si Olivia?

“I hope so, I wouldn’t doubt she would!”

Wala na bang pag-asang magkabalikan sila ni Olivia?

“No, I don’t go back to my exes,” sagot ni Rafael.

May boyfriend na ba si Olivia?

“I don’t know. I’m sure she has, she’s super-pretty.”

May nagbanggit na tila may boyfriend na foreigner ngayon si Olivia.

“Ah, okay! I’m glad. Dapat lang,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parte naman ni Rafel ay mayroon siyang idini-date na non-showbiz girl ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN