Sofia Andres on real score with Diego Loyzaga: "I love him as a friend of mine."


Hindi pa raw nililigawan ni Diego Loyzaga, 21, ang Kapamilya actress na si Sofia Andres, 17.

Ayon kay Sofia, malapit na malapit lang sila sa isa’t isa ni Diego.

Pero kung pagbabasehan ang mga post nila sa kani-kanilang social media accounts, mukhang may namamagitan na sa kanila.

Sabi ni Sofia, “Very close.

“Pero these past few days, magkasama kami. We go out, pero bonding lang.

“Wala pa naman po. Wala, wala.”

Mahal na ba niya si Diego?

“I love him as a friend of mine. Very close now, and I trust him so much,” sagot niya.

Ano ang nagustuhan niya kay Diego?

“He’s sweet, very gentleman, very understanding.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sofia sa launching ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2016 kahapon, July 11, sa Luxent Hotel.

NOT JEALOUS OF NADINE. Nitong mga nakaraang araw, nag-post si Diego sa kanyang Snapchat ng larawan ni Nadine Lustre.

Pero balewala raw ito kay Sofia dahil alam niyang ultimate crush ni Diego si Nadine

“Yeah, crush naman na talaga niya si Nadine ever since.”

Hindi ba siya nagselos dahil dito?

Sagot ni Sofia, “Hindi naman po. Hindi naman.

“It’s normal, may crush din naman po ako, e. He knows naman.

“Type niya lang talaga si Ate Nadine.

“She’s pretty naman talaga… morena, Filipina beauty.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN