Buboy Villar admits living with American girlfriend

IMAGE Noel Orsal / Ruel Mendoza

Buboy Villar on girlfriend Angillyn Serrano Gorens: "May nagsabi nga sa akin na 'love can wait,' pero hindi ko kailangan pang maghintay kung nandito na siya. Paninindigan namin ang pagmamahal naming ito. Tulad nga ng sinabi ko, destiny ito, e. Puwedeng may mangyari bukas, next year o sa ibang taon pa. Pero nandito na ang mahal ko at hindi ko na siya pakakawalan."


Inamin ng dating child actor na si Buboy Villar na nagsasama na sila ng kanyang American girlfriend na si Angillyn Serrano Gorens.

Ayon kay Buboy, four weeks ago lang sila nagdesisyong mag-live-in.

Parehong 18 years old si Buboy at ang kanyang girlfriend, at may balak na silang magpakasal sa U.S. next year.

Noong 2015 pa niligawan ni Buboy si Angie, pero noong February lamang ng taong ito naging opisyal ang relasyon nila.

Kung matatandaan, nag-post si Buboy sa Instagram ng photo nila ni Angie noong February at April.

Read: Is this Buboy Villar's girlfriend?

Dahil sa mga larawang ito ay nag-react ang pamilya ng kanyang girlfriend dahil hindi nila alam na opisyal na ang relasyon nito kay Buboy.

Sa pagkakaalam nila ay nanliligaw pa lamang ang young actor, at 17 years old pa lang noon si Angie.

Read: Sister of Buboy Villar's alleged girlfriend reacts to viral photos

Pero ayon kay Buboy, ngayon ay nasa tamang edad na si Angie para magdesisyon sa buhay niya.

“American naman po si Angie, pero halos dito na siya lumaki kaya marunong siyang mag-Tagalog.

“Doon naman po sa America, basta 18 years old ka na, may freedom ka nang gawin ang gusto mo sa buhay.

“Yun ang naging desisyon niya, na magsama na kami.

“Ako naman, mahal na mahal ko si Angie.

“Ayokong mawala siya sa buhay ko. Ayoko siyang pabayaan.

“Kaya nag-usap kami nang maayos at nag-decide na nga kaming magsama na.

“Next year ay aayusin na namin ang pagpapakasal para lang maging maayos ang pagsasama namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Buboy sa grand launch ng Kapuso telefantasya na Encantadia, sa Studio 7 ng GMA Annex Building, nitong Miyerkules, July 13.

ALL SETTLED. Wala na raw problema si Buboy sa pamilya ni Angie dahil matagal na nilang naayos ang lahat at ipinagkatiwala na ng mga ito ang kanilang anak sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Before, nagkaroon ng problema kasi hindi nila alam pa.

“Ngayon naayos na at okey na kami ng family niya.

“Noong mag-decide si Angie na sumama sa akin, wala namang naging problema sa kanila kasi nasa tamang edad na ang mahal ko,” sabi ng Kapuso actor.

Pero hindi ba naisip ni Buboy na masyado pa silang bata ni Angie para pasukin ang buhay may-asawa? Ayaw ba nilang bigyan muna ito ng mas mahabang panahon?

Tugon niya, “Bakit pa namin patatagalin, e, nandito na kami sa puntong sobrang mahal na mahal namin ang isa’t isa?

“Hindi natin mapipigilan kung ano ang destiny natin, di ba?

“Sabi ko nga kay Angie, hindi kami makikinig sa mga sasabihin ng ibang tao.

“Oo, tama sila na mga bata pa kami para pasukin ang ganitong klaseng pagsasama at kailangan maghintay kami ng tamang panahon.

“Pero ang importante ay mahal namin ang isa’t isa.

“Tsaka gusto ko na rin na magkaroon ng sarili kong pamilya balang-araw.”

BUBOY LOVES ANGIE. Hindi rin daw naging iyu ito sa ina ni Buboy dahil mahal na rin nito si Angie.

Saad ng dating child actor, “Wala naman daw siyang magagawa kung iyon ang desisyon namin.

“Masaya siya na nasa iisang bahay lang kami ngayon.

“Ang maganda pa ay sobrang supportive si Mommy sa aming dalawa.”

Naniniwala si Buboy na walang pinipiling tamang edad ang tunay na pag-ibig.

Kapag tinamaan ka na, huwag mo na raw pakawalan.

“Sa nangyayari sa amin ni Angie ngayon, ito na ‘yon.

“Siya yung inspirasyon ko sa buhay ko, kaya bakit ko pa siya pakakawalan?

“Siya na yung masasabi kong forever ko,” ngiti pa niya.

Wala ba silang planong manirahan sa U.S. pagkatapos nilang ikasal doon next year?

Ayon kay Buboy, “Dito po kasi ang trabaho ko.

“Nag-usap naman kami ni Angie at siya mismo ang nagsabi na kung nasaan ako, doon din siya at susuportahan niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo akong na-in love sa kanya noong sabihin niya sa akin yun.”

Na-in love daw si Angie kay Buboy dahil sa nakakatuwang personalidad nito at hindi dahil sa sikat siyang artista.

“Yung personality ko raw ang una niyang nagustuhan sa akin.

“Pero noong una, akala niya manloloko ako.

“So, biniro ko siya. Sabi ko, ‘Kung sa tingin mo manloloko ako, sabihin mo na rin na mukha akong holdaper at adik!’

“Aba, biglang sinampal niya ako!

“Sabi niya na huwag ko raw siraan ang sarili ko sa kanya dahil mamahalin niya ako kahit ano pa raw ang hitsura ko.”

BUBOY ALSO LOVES HIS WORK. Hindi rin daw siguro magiging hadlang ang pag-aasawa ni Buboy sa kanyang showbiz career.

Ngayon ay marami siyang trabaho, kabilang na nga ang Encantadia kunsaan siya gumaganap bilang si Wantuk.

Pahayag ni Buboy, “Mahal ko po ang trabaho ko at kahit na may papasukin na akong ibang buhay, nandito pa rin ako para magtrabaho nang maayos.

“Pag-arte ang naging buhay ko. Ito ang naging daan para maging maayos ang buhay ng pamilya ko.

“Kaya ito rin ang magiging trabaho ko kahit na may asawa na ako.

“As long as hindi ko napapabayaan ang mga mahal ko sa buhay, patuloy akong magtatrabaho dahil mahal ko ang ginagawa ko.

“Mas lalo pa akong sisipagin dahil may inspirasyon na ako.”

Masasabi nga raw ni Buboy na matibay na ang pagsasama nila ni Angie. Walang iwanan at handa silang harapin ang mga pagsubok na darating sa buhay nila.

“May nagsabi nga sa akin na ‘love can wait,’ pero hindi ko kailangan pang maghintay kung nandito na siya.

“Paninindigan namin ang pagmamahal naming ito.

“Tulad nga ng sinabi ko, destiny ito, e.

“Puwedeng may mangyari bukas, next year o sa ibang taon pa.

“Pero nandito na ang mahal ko at hindi ko na siya pakakawalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko lang maging happy kaming dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN