Kris Bernal proud of AlDub for being YES! Most Beautiful Stars for 2016

IMAGE Noel Orsal

Ipinagmamalaki ni Kris Bernal ang tagumpay nina Alden Richards at Maine Mendoza sa pagkahirang sa mga ito bilang "Most Beautiful Stars for 2016" ng YES! Magazine. Sabi pa niya, "You both deserve all the praises, appreciation, and attention!"


Matagal nang magkaibigan sina Kris Bernal at Alden Richards.

Marami na rin silang proyektong pinagsamahan sa GMA Network bago pa man nabuo at sumikat ang love team nina Alden at Maine Mendoza, na mas kilala sa tawag na AlDub.

Kaya naman masaya at proud si Kris sa tinatamong tagumpay ng kaibigan.

Nitong nakaraang Lunes, July 11, nagkasama ang tatlo sa launching ng YES! Most Beautiful Stars for 2016 bookazine, na ginanap sa Luxent Hotel, sa Timog Avenue, Quezon City.

Sina Alden at Maine ang nasa cover nito.

Read: Maine Mendoza, Alden Richards surprised by YES! Most Beautiful cover

Ito rin ang unang pagkakataon na nakita ni Kris ang dalawa na magkasama.

Sabi ni Kris sa kanyang post sa Instagram: “Ang cute talaga nila eh! My first time to see them together in person. Yes! They are this year's cover of #YES100MostBeautiful! Proud that the hottest and the most sought-after stars are from my home network. You both deserve all the praises, appreciation, and attention!”

“TRULY HUMBLED.” Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Kris na napabilang siya bilang isa sa "TV Princesses" ng YES! Most Beautiful Stars.

Hindi raw niya ito kailangang ipagmalaki, bagkus isang malaking pasasalamat lamang ang kanyang ipinaaabot sa kanyang mga tagahanga na hindi bumitiw sa kanya sa loob ng sampung taon.

“I'm not going to boast about myself and my accomplishments.

"I am going to boast about all that God has done for me in my 10 years in the showbiz industry.

“It's been tough at times but He always hears my cries and prayers. My heartfelt thanks to the whole team of @yesmagazine for considering me.

“I couldn't imagine how difficult the process was to choose the final 100. I am truly humbled.

“To my dear fans and followers for all the efforts in bringing me to where I want me to go. You keep me going.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Without the trust of @gmanetwork and my management @artistcenter, I am nothing. Lastly, thank you Lord for all the blessings you allow me and my family to have.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN