Christian Bautista opens up about non-showbiz girlfriend

IMAGE Nikko Tuazon

Christian Bautista on girlfriend Kat Ramnani: "Medyo pina-private namin yung relationship, pero since lumabas kami sa Preview Ball, e, alam naman natin na lahat dun, puro press na rin, so parang iyon din yung first time na parang lumabas kami ni public."


Matagal nang napapabalitang may bagong girlfriend ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista.

Tuwing makakausap siya ng entertainment press ay iwas siyang pag-usapan ang tungkol dito.

Ngunit sa grand launch ng Kapuso telefantasya na Encantadia, na ginanap nitong Miyerkules ng gabi, July 13, ay umamin na siya tungkol sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Ito ay si Kat Ramnani, head of music content ng Globe Telecom.

Kuwento ni Christian, “Nag-meet kami last year.

“Medyo pina-private namin yung relationship, pero since lumabas kami sa Preview Ball, e, alam naman natin na lahat dun, puro press na rin, so parang iyon din yung first time na parang lumabas kami ni public.

“Parang nung na-invite kami sa Preview Ball pareho, parang iyon na yung chance na puwede na rin naming ilabas.

“Kasi, like before, di ba, pag nag-uusap tayo, parang hindi rin namin masyado pina-public.”

Saan at paano sila nagkakilala?

Ayon kay Christian, “Nakilala ko siya... alam mo yung mga escape room?

“Yung mga breakout room, yung pupunta kayo... parang Mystery Manila or Breakout?

“So, in-invite siya ng friend ko nang hindi ko alam, parang friend of a friend, and then dun kami nag-meet.

“Kasi meron kayong gagawin na mga activity, e, dun sa room na yun para makatakas kayo within one hour.

“So, mga lima, pag wala kayong magawa, punta kayo, lima kayo, pumunta kayo dun.

“Merong halimbawang mystery na kailangan mong i-solve.

“Pag na-solve mo yun, makakalabas ka sa isang pinto.

“Iso-solve mo yun, makakalabs kayo… masaya, masaya!”

Isang taon na silang magkakilala; isang taon na rin halos ang relasyon nila.

“Hindi lang namin sinasabi,” ani Christian.

Gaano katagal silang nagligawan?

“Ganun din, mga few months din, few months.”

IS SHE THE ONE? Si Kat na ba ang 'the one' para sa kanya?

“Oo naman, siya naman!” bulalas ni Christian.

Handa na ba siyang mag-propose kay Kat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Kapag nangyari po yun, sikreto lang.

“Hindi ako yung mga… malalaman niyo na lang.”

Handa na ba siyang mag-asawa?

“I think so, I think ready na naman,” tugon ng 34-year-old singer-actor.

Mas bata raw sa kanya si Kat.

Dagdag pa niya, “She’s part-Indian, part-Irish, part-American, part-Filipino.”

Handa si Christian na hindi purong Pilipino ang karelasyon niya?

“Oo naman! Ang mundo ngayon, maliit na, e.

“Talagang hindi na natin alam kung sino talaga yung mami-meet natin.”

In the near future, malaki ang tsansa na mauwi sila ni Kat sa kasalan?

“Ano ba yung in the near future? Ilang months ba yung in the near future?” natatawang sabi niya.

Pero dagdag ni Christian, “Tingnan natin, tingnan natin kung dumulot dun.

“I’m at the right age na naman, she’s at the right age, so kung pumunta dun...”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN