Ai-Ai delas Alas dismisses Jiro Manio death hoax

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Hindi nagustuhan ni Ai-Ai delas Alas ang kumalat na balita sa social media na diumano'y pumanaw na ang aktor na si Jiro Mario. Tinawagan pa niya ang anak-anakan kaninang umaga, July 14, upang pabulaanan ang balita.


Ikinadismaya ng Queen of Comedy na si Ai-Ai delas Alas ang kumalat na balita kahapon, July 13, na pumanaw na ang aktor na si Jiro Manio.

Si Ai-Ai ang tumatayong guardian ngayon ni Jiro matapos itong maipasok sa rehab dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sa Instagram post ng Sunday PinaSaya mainstay, ibinahagi niya ang clip ng kanilang pag-uusap ni Jiro ngayong Huwebes, July 14.

Maririnig sa pag-uusap na maayos ang kalagayan ni Jiro na kasalukuyang nasa isang rehabilitation facility.

Sabi ni Ai-Ai sa caption: “Nag text ang press sa akin kahapon tinatanong about jiro nabalita ata na patay or whatever ... Para sa kaalaman ng lahat BUHAY NA BUHAY PO SI JIRO .. Share ko lang ang conversation namin ngayun umaga na ok sya ALIVE NA ALIVE ...”

Ayon naman sa Instagram post ng GMA News reporter na si Nelson Canlas, ‘joke done in bad taste’ daw kung ilarawan ni Ai-Ai ang naturang balita.

Nagpadala rin si Ai-Ai kay Nelson ng isa pang audio clip ng pag-uusap nila ni Jiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN