DOT Undersecretary Kat de Castro to critics: "I hope to prove you wrong."

by Bernie V. Franco
Jul 15, 2016
Kat de Castro to critics: "Dun sa mga ayaw sa 'kin, ok po, opinyon nyo po 'yon. Pero I hope to prove you wrong."

May mensahe si Department of Tourism Undersecretary Kat de Castro para sa kanyang mga tagasuporta, gayundin sa kanyang mga kritiko.

Sa pamamagitan ng Facebook live nitong Miyerkules, July 13, nagpasalamat ang anak ni dating Vice President Noli de Castro sa mga bumati sa kanyang pagkakatalaga bilang opisyal ng DOT.

Read: Duterte supporter Kat de Castro assumes post as DOT undersecretary

Pahayag ni Kat, “Thank you dun sa lahat na nagsabi ng congratulations, I appreciate it. I promise that I will do my best.

“I will give my 100 percent sa bagong trabahong ito na ipinagkatiwala sa atin.”

May mensahe rin siya sa mga nagdududa sa kanyang pagkakatalaga sa DOT.

“And dun sa mga ayaw sa ‘kin, ok po, opinyon nyo po ‘yon. Pero I hope to prove you wrong.”

Samantala, base sa mga post ni Kat, ipinahayag niyang masigasig na nagtatrabaho ang mga empleyado ng kanilang ahensiya upang ikampanya ang Pilipinas bilang prime tourism spot.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya sa video, “We will definitely make sure na it will be more fun in the Philippines, so to speak.

“Since I think June 30 [or] July 1, we’ve been working very, very hard.”

Samantala, bukod kay Kat, ilan pang celebrities ang nabigyan ng posisyon sa gobyerno ni President Rodrigo Duterte; kagaya nina Freddie Aguilar bilang National Commission for Culture and the Arts commissioner, Jimmy Bondoc bilang PAGCOR AVP for Entertainment, at Arnell Ignacio bilang PAGCOR AVP for Community Relation and Services.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kat de Castro to critics: "Dun sa mga ayaw sa 'kin, ok po, opinyon nyo po 'yon. Pero I hope to prove you wrong."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results