Bela Padilla on boyfriend Neil Arce: "Very secure kami sa isa't isa."

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla's four-year relationship with Neil Arce is going smoothly, and she has moved into her own home. For all that, Bela Padilla feels blessed.


Apat na taon na ang relasyon ni Bela Padilla sa kanyang boyfriend na si Neil Arce.

Ano ang sikreto ng relasyon nila?

Ayon sa aktres, “Honestly, kami kasi yung mga taong walang pakialamanan; trabaho ko, trabaho niya.

“Kung ano ang trabaho niya, hindi ako nagme-meddle.

“Kasi pareho kaming very passionate sa work namin at ako, hindi ko siya kukulitin sa trabaho niya.

“Mahal niya ang trabaho niya at ganun din siya sa akin.”

Hindi seloso si Neil?

Sagot ni Bela, “No, not at all, very secure kami sa isa’t isa.

“Ako rin, hindi ako selosa.

“Maganda nga, ganun yung personality namin, match. So, ang galing.”

Kung kasal ang pag-uusapan, wala pa raw sila ng boyfriend sa ganitong estado.

Wala bang kaba si Bela na sa tagal na rin nilang magkarelasyon ni Neil, sa halip na sa kasalan ay sa hiwalayan din mapunta ang long-term relationship nila?

Saad niya, “Sa tingin ko, hindi naman, hindi ko nakikita sa amin yun, whatever happens, happens.

“Right now, nag-e-enjoy lang ako sa buhay ko, sa trabaho ko.

“May alam akong taong sumusuporta sa akin at sobrang happy ng family ko.

“Kumbaga, from the start naman, ganun ako, positive lang.

“Kaya siguro ganito ang mga nangyayari sa akin kasi positive lang akong mag-isip.”

INDEPENDENT. Noong isang taon lang daw siya pinayagan ng mga magulang na maging independent.

Lahad ni Bela, “Ngayon, nakatira ako sa bahay kong mag-isa.

“Pero mula noong tumira ako sa bahay ko, bigla akong nag-taping ng Probinsyano, two weeks after kong lumipat.

“Every day kaming nagte-taping, parang hindi ko rin nauuwian ang bahay ko, so hindi ko pa siya nae-enjoy.

“Ngayon pa lang ako na… ayusin ko ang bahay ko, mag-grocery akong mag-isa, ngayon pa lang.”

Nirerentahan pa lang daw niya ang bahay na tinitirhan ngayon na may limang kuwarto.

Siya at ang production assistant pa lang daw niya ang nakatira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Aalog-alog kami!” natawang sabi niya.

“Hindi ko pa nakikita kung ano ang bahay na gusto kong bilhin… ngayon pa lang talaga ako nag-aayos.”

Matagal daw niyang napakiusapan ang mga magulang na payagan siyang mamuhay nang mag-isa.

Ang father daw niyang sa Thailand naka-base ay mas matagal bago niya napapayag.

Sabi ni Bela, “E, kasi, paano kung one day in the future, ikasal ako?

“Wala akong alam kasi hindi ko na-experience na maging independent.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN