Kylie Padilla still awkward around ex-boyfriend Aljur Abrenica

IMAGE Noel Orsal

Kylie Padilla finds it funny that she got the role she did not audition for in Encantandia. She relates, "Ang gusto ko talaga, si Perena. Siya yung pinaka-angas 'tsaka red yung costume niya. Kapag yung director ang nagsabi sa iyo na hindi bagay sa iyo ito, you have to trust him… Pero nung nag-research na ako, mas nagustuhan ko naman na si Amihan. "


Awkward pa rin daw si Kylie Padilla sa presence ng ex-boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

Nagkaharap ang dalawa kamakailan sa audition para sa casting ng Encantadia.

“Ayan na, papunta na sa…” natatawang sabi ni Kylie na tila iniiwasang pag-usapan ang dating karelasyon.

Nag-usap ba sila sa audition nila?

“Hindi, hindi kami nag-usap.

“Pero pag eksena, nag-uusap kami, iyon yung sinasabi kong awkward.

“Kasi wala naman akong sasabihin, wala din naman siyang sasabihin, so…”

Ano naman ang masasabi ni Kylie na hindi napunta kay Aljur ang role bilang Ybarro sa Encantadia, at napunta ito kay Ruru Madrid?

“Okay lang kasi hindi naman ako si Alena!” tawa na naman niya.

Sina Ybarro at Alena kasi ang magkapareha sa kuwento ng Encantadia.

“Oo, kaming dalawa yung nag-audition, e! Siya kaya ang Ybarro ko nun,” pagtukoy ni Kylie sa audition niya para sa papel na Alena].”

Awkward daw ang naging sitwasyon during their audition.

“Kasi ang daming nanonood tapos biglang… na kay Direk [Mark Reyes] yun kung bakit hindi niya pinili.”

Nakausap ng PEP.pg (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa grand launch ng Encantadia noong July 13.

BEING SANG’GRE. Ang napuntang role kay Kylie ay si Amihan, na unang ginampanan ni Iza Calzado.

Hindi raw niya napanood ang orihinal na Encantadia na ipinalabas noong 2005.

“Wala ako dito nung pinalabas, nag-aaral ako.

“Pero sinadya kong hindi panoorin kasi iko-compare ko lang yung sarili ko kay Iza.

“Okay naman ako sa set-up na nangyari na fresh sa akin ang idea ng Encantadia.”

Bago na-cast ang naturang show ay iba-ibang Kapuso actress ang dumaan sa maraming audition.

Kuwento ni Kylie, “Interesting ang story niyan kasi ang gusto ko talaga, si Perena.

“So, nag-audition ako for Pirena!”

Kontrabida ang gusto niya?

“Oo! Never akong nag-audition para kay Amihan.

“Tatlo ang pinag-audition-an ko. Si Danaya, si Alena, at si Pirena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos ang napunta sa akin, si Amihan!”

TRUST THE DIRECTOR. Noong una raw ay nalungkot si Kylie na hindi siya nakuha sa role na Pirena.

“Siya yung pinakaangas tsaka red yung costume niya.”

Ang napili para gumanap na Pirena ay si Glaiza de Castro. Nagtampo ba siya?

Sabi ni Kylie, “Hindi, walang ganun.

“Ang nangyari, hindi ako pumunta nung second audition, si Direk [Mark Reyes], hinanap ako.

“Hindi ako pumunta kasi hindi naman pala Pirena, so huwag na lang.

“Puyat din ako nun kasi [taping ng] Buena Familia, ayoko munang mag-isip ng… nagsasabay, e.”

Paano siya napili na Amihan nang walang audition?

“Sabi ni Direk, nung nag-audition ako, nakikita niya talaga si Amihan sa akin.

“Sabi niya, ‘Kylie, you’re my Amihan, pag-isipan mo, pagsisisihan mo pag di mo ginawa itong project na ito.’

“Pero nung nag-research na ako, mas nagustuhan ko naman na si Amihan.

“Kapag yung director ang nagsabi sa iyo na hindi bagay sa iyo ito, you have to trust him.

“Nakikita ko na ngayon, walang ibang Pirena kundi si Glaiza lang.

“Kung ako ang naging Pirena, baka medyo….”

“Lahat ng characters may magandang ano naman, may magandang pupuntahan yung character.”

Si Sanya Lopez ang gaganap bilang Danaya at si Gabbi Garcia naman ang gaganap bilang si Alena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN