Liza Soberano lashes back at netizen questioning her absence in Dukot premiere

IMAGE Instagram account of Liza Soberano

Liza Soberano hits back at basher questioning her absence during the premiere night of loveteam partner Enrique Gil's movie Dukot. Their heated exchange of tweets also involved Liza's family.


Nakasagutan ng Kapamilya star na si Liza Soberano ang isang netizen sa pamamagitan ng Twitter kahapon, July 15.

Ito ay nang magkomento ang nagturang basher tungkol sa hindi pagdalo ni Liza sa premiere night ng pelikulang Dukot, kung saan bida ang ka-love team niyang si Enrique Gil.

Naganap ang premiere night noong Martes, July 12, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Nauna rito ay kinuwestiyon ng nasabing basher, na may handle na @manangdi22, ang video ni Liza kasama ang kanyang Dolce Amore co-stars na sina Matteo Guidicelli at Alvin Anson na ipinost ng isang fan account.

Hindi man diretsahang naka-mention sa tweet ng netizen ang handle ni Liza (@lizasoberano), mukhang nakita ito ng aktres at kanya ring direktang sinagot.



Dito ay nagkasunud-sunod ang sagutan ng nasabing netizen at ng 18-year-old actress, kasama na ang pagkukuwestiyon kung bakit wala si Liza, at maging ang kanyang mga magulang, sa premiere night para suportahan si Enrique.




Dumating din sa punto kung saan nagkomento ang netizen tungkol sa pagtatrabaho ni Liza gayong kaya namang buhayin ng ama ng aktres ang kanilang pamilya.



Sa hiwalay na tweet naman ay sinabi ni Liza na kaya hindi siya nakadalo ay dahil kinailangan niya pang mag-taping ng "for airing scenes" niya para sa Dolce Amore, kung saan ang location ay sa Tanay, Rizal.

Ang ibig sabihin nito, ang mga kinukunang eksena ay kasama sa ipalalabas na episode kinagabihan o kinabukasan.


May fan ding nakapansin na nababasa ni Liza ang tweets kahit pa hindi siya naka-mention dito, na kanya ring sinagot.


Sa kasalukuyan ay nasa page pa ng aktres ang mga tweet at hindi pa niya ito dine-delete.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN