Will Rochelle Pangilinan postpone her wedding because of Encantadia stint?

Rochelle Pangilinan admits that focusing on her Encantadia work makes it difficult to plan her wedding to longtime BF Arthur Solinap: "Actually, aayusin pa namin ang wedding. After the proposal, wala pa. Naka-focus ako sa Enca na pinagpaalam ko naman sa kanya kasi. Medyo mahirap nga ang Encantadia at okey naman, lagi naman siyang naka-support sa akin."

 


“Ang saya, iba ang pakiramdam,” ang nakangiting pahayag ng Kapuso star na si Rochelle Pangilinan sa bago niyang primetime series sa GMA-7, ang Encantadia.

Magsisimula na itong mapanood sa primetime sa Lunes, July 18.

Si Rochelle ang gaganap sa karakter ni Agane.

Ayon pa kay Rochelle, “Nakaka-proud.

“Sinabi ko naman kay Direk na ito yung pinaka-biggest role na ibinigay sa akin ng GMA. Kakaiba, as in, ito yung pinakakaiba.

“Actually, dito ako pinakahirap na hirap.

“Katawan, preparation and sa isip para sa pag-arte mo.

“Kahit yung disiplina kasi, hindi lang doon sa set, kahit nasa loob ka ng bahay, e.”

Kontrabida si Rochelle sa Encantadia at kanang-kamay ni Hagorn na ginagampanan ni John Arcilla. Ang karakter niya ay dating ginagampanan naman ni Leika Kuzma.

“E ngayon, nakalabas ang tiyan niya,” lahad ni Rochelle.

Sabi pa niya, “So ang hirap, ang daming disipilina.

“At hindi ka rin naman puwedeng basta-basta mag-diet kasi ang daming fight scenes.

“Ang fight scene inaabot kami ng five hanggang six hours para lang ma-shoot.”

TIPS FROM FORMER ENCANTADIA CAST MEMBER. Ang fiance niya na si Arthur Solinap ay isa sa mga orihinal na cast ng Encantadia.

May mga naibabahagi rin ba ito sa kanya ngayong siya naman ang kasama sa Encantadia?

“Bawal ang maarte, huwag kang maarte sa set,” natawang sabi ni Rochelle.

“Alam mo, ang sinabi lang niya sa akin, kasi kapag may soap, laging may tissue, towel, artista.

“Kapag pinagpapawisan ka, magbaon ka ng towel, lagay mo sa katawan mo.

“Ngayon, nararamdaman ko siya.

“Yung damit namin, yung costume namin, hindi mo na siya kailangang hubarin kapag pinagpawisan ka. Maitutulog mo siya nang ganun, maglalagay ka lang ng towel sa likod.

“Mahirap siyang tanggalin, mahirap isuot.”

Pangarap daw niyang karakter si Agane.

“I love Agane, ito ang pangarap kong role talaga,” saad pa niya.

POSTPONED WEDDING? Sa isang banda, diretsahan naming tinanong si Rochelle kung ang pagkakasama niya sa Encantadia ang dahilan kung bakit na-move yata ang kasal nila ng boyfriend na si Arthur Solinap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman niya, “Actually, aayusin pa namin ang wedding. After the proposal, wala pa.

“Naka-focus ako sa Enca na pinagpaalam ko naman sa kanya kasi. Medyo mahirap nga ang Encantadia at okey naman, lagi naman siyang naka-support sa akin.”

Posibleng sa isang taon ang kasal?

“Maybe next year,” nakangiti niyang sabi.

Bongga ba ang pinaplano nilang kasal ni Arthur?

“Hindi, hindi… hindi na kailangan ngayong panahon na ito. Hindi na kailangan ng bongga.

“Kung sa akin ha, kung magiging practical ako, mas maganda sana kung intimate.

“Kahit naman siya, yun ang sinasabi niya. Proposal ‘di ba, intimate rin naman.”

“I love Agane, ito ang pangarap kong role talaga,” saad pa niya.

MOST BEAUTIFUL. Sa ikalawang pagkakataon naman ay napili si Rochelle na isa sa mga Yes Most Beautiful. Nakapasok siya sa hanay ng mga “siren.”

Masaya nga si Rochelle sa bagay na ito nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang Yes Most Beautiful launch sa Luxent Hotel, Quezon City noong July 11.

Ayon kay Rochelle, “Pabongga nga nang pabongga, e.

“Dati di ba, hindi pa masyadong ganitong kabongga, ngayon, iba na.

“At siyempre, mas nakaka-proud kasi ang dami namang puwedeng ipuwesto, bakit ako pa?

“One hundred lang, pero ang daming beautiful sa buong Pilipinas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN