Arron Villaflor admits dating, but not courting Dawn Chang

IMAGE Noel Orsal

Arron Villaflor admits dating his Umagang Kay Ganda segment co-host Dawn Chang, but says he's not courting her for now: "Ang sa aming dalawa, we are trying not to put a label on our friendship. Mas pinili ko na wag munang manligaw. Kasi sinabihan din niya ako na hindi pa siya prepared, kasi galing din siya sa break up nung ex niya."


Tinutukso sa Umagang Kay Ganda (UKG) ang aktor na si Arron Villaflor at ang dating PBB housemate na si Dawn Chang.

Magkasama ang dalawa sa isang segment sa UKG kung saan “baby love” ang term of endearment nila sa isa’t isa.

Sa nakaraang presscon ng The Greatest Love nung Huwebes na ginanap sa Dolphy Theter ng ABS-CBN, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arron kung ano ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Dawn at kung may dapat ba silang aminin sa publiko.

Ayon kay Arron, “Ang sa aming dalawa, we are trying not to put a label on our friendship.

“Kasi ayaw naming dumating sa panahon na mag-co-host kami, magkatrabaho kami sa isang show, what if naging kami at magka-away kami?

“Awkward yun sa harap ng TV.

“Pinag-iingatan namin yung trabaho namin together and we’re enjoying it.”

NOT COURTING DAWN. Hindi naman itinanggi ni Arron na lumalabas sila ng dating PBB housemate, pero sa kabila nito ay hindi siya nanligaw kay Dawn dahil hindi pa raw ito handang pumasok sa panibagong relasyon.

Pag-amin niya, “Oo lumalabas kami, kumakain kami.

“Marami kaming similarities sa maraming bagay kaya nagkakasundo kaming dalawa.

“Ligaw? Mas pinili ko na wag munang manligaw.

“Kasi sinabihan din niya ako na hindi pa siya prepared, kasi galing din siya sa break up nung ex niya.”

ON YEN SANTOS. Na-link noon si Arron kay Yen Santos noong magkatrabaho sila sa seryeng All Of Me.

Dahil dito, agad namin siyang tinanong kung ano ang nangyari sa kanila ng aktres at bigla na lang naputol kung anumang ang espesyal na namagitan sa kanilang dalawa.

Pag-amin niya, “Ganun talaga siguro, 'no? Siguro sa oras na rin [ang problema], pero hanggang ngayon magkaibigan naman kami.

“Naging kami ba? Parang ganun na nga, nung All Of Me days. Hindi naman biglaang nahinto, naging busy rin kasi siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mutual decision?

“Siguro without us knowing na ganun ang mangyayari.

“Mas pinili na lang namin na, 'Sige, textan na lang tayo.'

“Hindi ko alam, e. Si Lord kasi parang ayaw niya muna ako manligaw.

“Kasi everytime na nanliligaw ako o may relasyon ako, mas napupunta yung oras ko dun sa babae na yun.

“Siguro naman it’s time to work harder kasi feelin ko pag wala akong karelasyon, ang dami kong projects.

“Sabi ko nga, “Sige, magtrabaho muna ako. Darating naman sa tamang oras yung tamang babae para sa akin.”

NEW SHOW. Gaganap si Arron bilang Paeng sa seryeng The Greatest Love na pagbibidahan nila Slyvia Sanchez, Dimples Romana, Andi Eigenmann, Matt Evans at marami pang iba. Labis naman ang pasasalamat ni Arron na naging parte siya ng bagong seryeng ito ng Kapamilya network.

Aniya, “Again, I just wanna say thank you of course to my ABS-CBN family kasi binigyan nila ako ng pagkakataon na magkatrabaho uli sila.

“Again, it’s a good story. It’s a story of a mother and her children.

“You would expect more drama. Mabigat yung mga eksena namin at pag nakikita nila yung teaser ng The Greatest Love, iniisip nila parang pelikula.

“Sabi nga namin, sana after nito gawing pelikula.

“I am playing the role of Paeng.

“Si Paeng kasi isang musikero na namana niya sa kanyang ama yung talent niya, pero tila malaking hadlang ito para sa kanyang ina.

“Kasi ayaw niyang magaya o matulad ang kanyang anak sa kanyang ama na musikero na walang napala sa buhay.

“Magkakaroon ng conflict between me and Gloria, ang aking ina played by Ms. Sylvia Sanchez.

“Ayaw niya talaga ng ginagawa ko, she really hates music because of my father nga.”

LESSONS LEARNED. Dahil ang tinatalakay sa The Greatest Love ay ang pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak, kinuwento ni Arron na marami siyang natutuhan sa seryeng ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “I’m very sweet to my mom pero di ko masasabi na solid and concrete yung love and care ko na binibigay.

“Siyempre, I’m really trying to reach out to my mother and I’m thankful.

“We really need to catch up with our moms kasi pagdating ng panahon na maging magulang din tayo, iba yung pagmamahal na binibigay ng isang ina o ama sa kanyang anak.

“Nabigyan ko ng halaga ang pagmamahal ng ina ko dahil hindi lagi o habang buhay na lagi siyang nandiyan sa atin.

“Hanggang maaga, hangga’t maaari... tama yung sinabi ni Ricky Lee kanina na umalis ka ng bahay, yakapin mo ang nanay mo, pagdating mo ng bahay, yakapin mo ulit.

“Minsan kasi sa atin nanggagaling yung dementia, masyado na tayong maraming ginagawa, di na natin sila napapansin, di natin sila nabibigyan ng oras.

“Yun ang pinaka-lesson na natutuhan ko dito sa teleseryeng ito na kaya ko ding gawin sa totoong buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN