Pia Wurtzbach flies back to Manila to meet Pres. Duterte; pushes for PH to host Miss Universe 2016

IMAGE Photo from Pia Alonzo-Wurtzbach's Instagram

Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach returned to Manila yesterday, July 16, to meet up with Pres. Duterte and Dept. of Tourism Sec. Wanda Teo to discuss the possibility of holding the Miss Universe 2017 pageant in the Philippines


Balik-Pilipinas ang Philippine pride na si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach upang isulong ang kampanyang sa Pilipinas ganapin ang susunod na Miss Universe Pageant.

Dumating ang beauty queen kahapon, Sabado, June 16, upang makipagpulong kina President Rodrigo Duterte at Department of Tourism secretary Wanda Teo, ayon sa Facebook post ng airport reporter na si Raoul Esperas.

Ms. Universe Pia Wurtzbach back in Manila for Meeting with President Duterte & Tourism Sec. Wanda Tulfo Teo.”

Samantala, sa Twitter post ni Pia noong Biyernes, binanggit ni Pia na mayroon siyang ipinagdarasal.

Ginawa ni Pia ang post isang araw bago siya umuwi sa Pilipinas.

Maging si Jonas Gaffud, dating pageant trainor ni Pia, ay nag-post ng photo niya kasama si Pia, at binati ito pagbalik sa bansa.

Dinner with Miss Universe @piawurtzbach :-) welcome home again Queen P! #missuniverse

A photo posted by Jonas Antonio Gaffud (@jonasofmercator) on

Nitong Huwebes, July 14, kinumpirma ni DOT Sec. Teo na inaprubahan na ni Pres. Duterte ang proposal ng kalihim na ganapin ang Miss Universe 2017 pageant sa Pilipinas.

Huling ginanap ang prestihiyosong beauty pageant sa bansa noong 1994.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN