Harlene Bautista says okay to Romnick Sarmenta-Sheryl Cruz reunion project

IMAGE Rommel Gonzales

Harlene Bautista and Romnick Sarmenta are business owners, but politics run also in their family. Is politics in their future? She says, "Lumaki ako dito [pulitika], so parang nakita ko na okay naman siya… higher service siya, e. Nasa dugo na rin namin, nasa sistema na namin."


Naniniwala si Harlene Bautista na may forever talaga, at hugot nga niya ang matatag nilang pagsasama ng mister niyang si Romnick Sarmenta.

“Oo naman! Sa amin pa lang, meron na,” pakli ng actress-film producer.

Matinee idol ang asawa niya noong kabataan nito sa showbiz. Kaya may usap-usapang ayaw raw ni Harlene magkapareha sa isang proyekto si Romnick at ang dating girlfriend nitong si Sheryl Cruz.

Natatawang sabi ni Harlene tungkol dito, “Ako nga ang nanunukso kay Romnick.

“Lagi ko nga siyang, ‘Sige na, mag-partner na kayo!’

“Ako nga nagtutukso lagi.”

Hindi raw totoo ang balita at okey sila ni Sheryl.

“Oo naman! Oo. Yun nga lang, hindi kami nagkikita.

“Pero last time nagkita kami, matagal na.”

Seventeen years na ngang kasal sina Harlene at Romnick, ano ang sikreto?

Ayon kay Harlene, “Siguro dahil we married for the right reason.

“Na gusto namin na kami yung magkasama habang buhay, hanggang pagtanda.

“Yung mga anak namin, lalaki, magkakaroon ng sariling buhay.

“Yung spark na sinasabi, nawawala talaga 'yan, yung kilig nawawala talaga.

“So, kami, alam namin, siya yung gusto kong makasama habambuhay.

“I think that’s the right reason.”

Nag-aaway naman daw sila, pero bago matulog ay inaayos nila ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

“Walang bongga na ano, yung medyo nagtaas lang ng boses na... hindi naman yung murahan.

“Hindi kami nagmumurahan, hindi kami nagmumura, e.

“Pero siguro mga tatlong beses pa lang nangyari yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Harlene sa birthday lunch ng kuya niyang si Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa members of the press, na ginanap sa Salu restaurant noong July 15.

Hindi nakarating si Mayor Herbert pero represented siya ni Harlene at ng isa pa nilang kapatid na si newly-elected Quezon City Councilor Hero Bautista, at si Romnick.

POLITICAL FAMILY. Si Romnick ba ay walang planong pasukin rin ang pulitika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Harlene, “Hindi ko alam, siguro yung mga ganun, baka sila ni Kuya Herbert ang mag-uusap, kung anuman.

“I think siya yung tipong naniniwala na hindi mo kailangan ang posisyon para tumulong, parang ganun.

“But if siguro kung tatanungin siya or magkaroon ng opportunity, baka naman…

“I don’t know, hindi ko alam, e.”

Papayagan naman niya si Romnick, kung sakali?

“Lumaki ako dito [pulitika], so parang nakita ko na okay naman siya…

“Higher service siya, e. Na you’re given the advantage na talagang makapagserbisyo ka on a larger scale, di ba?”

Nine o ten years old pa lamang daw noon si Harlene nang mamulat siya sa mundo ng pulitika.

Kuwento niya, “Tatay pa lang namin, barangay captain, councilor.

“Parang sanay na ako sa nakikita ko sa bahay, pumupunta yung mga tao, hihingi ng tulong.

“O kaya mag-aaway, magrereklamo, o binugbog dinala sa bahay, mga ganun!

“So, sanay na talaga ako kumbaga nasa dugo na rin namin, nasa sistema na namin.”

Hindi kaya si Harlene ang may tsansa na pasukin ang pulitika?

“Sa dami ng ginagawa ko? Hindi ko alam, hindi ko masabi, ayokong magsalita ng tapos.

“Dati akong Sangguniang Kabataan chairman, so ayokong magsabi na hindi ako tatakbo, hindi ko alam.”

Sa ngayon ay aktibo si Harlene sa Quezon City Ladies Foundation na tumutulong sa mga kababaihan sa kanilang lungsod.

FAMILY BUSINESS. Bukod sa pagiging producer sa Heaven’s Best Entertainment ay restaurant owner na rin si Harlene.

Sila ni Romnick ang may-ari ng Salu restaurant sa Scout Torillo corner Scout Fernandez sa Quezon City.

Tinalikuran na ba ni Harlene ang showbiz?

Tugon niya, “Well, hindi naman, kasi... well, behind the camera.

“Una, we have five kids and yung bunso namin is three years old, so nakatutok pa rin kami sa kanya.

“And iba na yung working conditions ngayon, parang masyado na yung puyatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko kaya kasi, siyempre, may negosyo, kailangan nandun ka.”

Ang Heaven’s Best Entertainment ay negosyo nila ni Romnick. Ano ang bagong project nila?

“Sa ngayon, nasa stage kami na pumipili kami ng projects, may mga lumalapit sa amin, ganyan.

“Pinipili namin kung ano yung magpi-fit sa amin and tingin namin, e, makakatulong din kami.”

Ang huli nilang proyekto ay ang pelikulang Lumayo Ka Nga Sa Akin na co-production nila sa Viva Films.

Ginawa rin nila ang Hiblang Abo para sa Cinemalaya at ang musical play na Larawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN