Cesar Montano among hundreds of stranded passengers due to NAIA runway repair

IMAGE Facebook photo of Cesar Montano

"We are stranded inside the plane flight 454 PAL with no food and water to drink... Pasengers are being deprived to breath fresh air and eat," says Cesar Montanon about his experience during 10-hour flight ordeal in NAIA and Clark airports.


Hindi napigilan ni Cesar Montanon ang maglabas ng sama ng loob matapos silang ma-stranded sa Ninoy Aquino International Airport kahapon, July 18.

Kabilang si Cesar sa daang-daang pasahero na ilang oras namalagi sa loob ng eroplano dahil sa diumano'y traffic congestion sa NAIA.

Sa unang video na ipinost ni Cesar, makikita ang pagkainis niya dahil sa hindi pagpayag na makalabas ang mga pasahero kahit ilang oras na silang naghihintay sa loob ng eroplano.

“'Ta** i** PAL 'to, ayaw pa kaming pa-deplane. Hindi ko maintindihan, ayaw naman kaming pakainin,” maririnig na sabi ni Cesar sa video.

Sa caption ng video, sabi ng actor-director: “We are stranded inside the plane flight 454 PAL with no food and water to drink.

“From 1pm till now, its already 5:20pm we were Oreo biscuit only. and we are not allowed to deplane.

“Pasengers are being deprived to breath fresh air and eat.”


Ang sinakyang eroplano ni Cesar ay isa sa 10 flights na na-divert mula sa NAIA papuntang Clark International Airport.

Sa kanyang mga sumunod na video, mapapansing kahit nasa Clark airport na sila ay marami pa rin ang stranded at naghihintay ng masasakyang bus pabalik ng Manila.

Sa isa sa mga video, ipinakita ni Cesar na kasama rin niya sa di magandang karanasang ito ang singer na si Richard Poon.

May mga post din si Richard sa kanyang Instagram account tungkol sa insidente:

It's 7pm and we are still stranded here in Clark, I heard somebody say we are 21 planes stranded...????????????

A photo posted by Richard Poon (@richardpoonph) on

Stuck and Stranded????????????

A video posted by Richard Poon (@richardpoonph) on

Ayon sa ulat ng GMA News, ang pagkaka-divert ng ilang local at international flights sa Clark airport ay dahil sa runway damage sa NAIA.

Dahil dito ay pansamantalang isinara ang NAIA sa mga paparating na mga flight hanggang 11 P.M.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN